day1

Subdecks (1)

Cards (190)

  • Unang Digmaang Pandaigdig

    Tinawag dahil sa karamihan ng mga bansa sa buong mundo ay nakilahok sa digmaang ito. Kilala rin bilang "Dakilang Digmaan" o "Ang Digmaang Tatapos sa Lahat ng Digmaan"
  • Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagpaslang ni Gavrilo Princip kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria at ang kanyang asawa na si Sophie
  • Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

    • Nasyonalismo
    • Imperyalismo
    • Militarismo
    • Pag-aalyansa
  • Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian
  • Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

    • 20 milyong tao ang namatay at 21 milyon naman ang nasugatan
    • 9.7 milyong sundalo ang namatay at 10 milyon naman sa mga sibilyan
    • 5.7 milyong sundalo ang nasawi sa Triple Entente at 4 milyon naman sa Triple Alliance
    • Inabot ng 200 bilyong dolyar ang gastos sa digmaan
    • Ang mapa ng Europa ay sadyang nagbago. Ang kalagayang pampulitika sa buong daigdig ay nag-iba
  • Hulyo 23, 1914 - Binigay ng Austria-Hungary ang July Ultimatum sa Serbia
  • Triple Entente (Allies)

    • France
    • Russia
    • Great Britain
  • Triple Alliance (Central Powers)
    • Germany
    • Italy
    • Austria-Hungary
  • Sa kabuuan, 27 bansa ang naging sangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig
  • Digmaan sa Kanluran
    Dito naganap ang pinakamainit ng labanan sa Unang Digmaang Pandaigdig
  • Agosto 4, 1914 - Lumusob sa Belgium ang hukbong Alemanya at ipinagwalang bahala nito ang pagiging neutral na bansa nito
  • Agosto 26, 1914 - Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany)
  • Grand Duke Nicholas
    Siya ang namuno sa paglusob ng Russia sa Prussia
  • Digmaan ng Tannenberg
    Dito natalo ang hukbong Russia
  • Galicia
    Dito nagtagumpay ang hukbong Russia
  • Romanov
    Isang dinastiyang na tuluyang bumagsak
  • T.E Lawrence (Lawrence of Arabe)

    Siya ang nanguna sa pagtulong ng mga Briton sa Arabe sa Imperyong Ottoman
  • Agosto 23, 1914 - Sumapi ang Japan sa panig ng Entente
  • Mayo 1915 - Pag panig ng Italy sa Allied powers dahil sa pangako ng France na mga lupain (Asya Menor, Africa, at Balkan)
  • Isang submarine ng Germany ang nagpatama ng torpe sa pampasaherong barkong briton na RSM Lusitania
  • Pangulong Woodrow Wilson
    Nagalit noong 1917 dahil sa isinagawang pagatake ng mga submarine
  • Arthur Zimmerman
    Napasakamay ng mga Briton ang isang telegram mula sa kanya noong Pebrero 1917
  • Abril 2, 1917 - Pormal na nagdeklara ng digmaan ang kongreso ng Amerika laban sa Germany
  • Ferdinand Foch
    Isang heneral sa Pranses na siya ang namuno ng paggawa ng Allied powers ng unang magkasanib na kapangyarihan noong 1918
  • General John Pershing
    Ang Germany ay natalo ng United States sa ilalim ng kanyang pamumuno
  • Nobyembre 3, 1918 - Ang Austria-Hungary ay napasuko ang pwersa ng Italy
  • Kasier Wilhelm II
    Napilitang niya iwanan ang kanyang trono at nagtungo sa The Netherlands dahil sa rebolusyon sa Germany
  • Nobyembre 11, 1918 - Ang bagong tatag na pamahalagang Republika ng Germany ay agad na lumagda ng isang armistice
  • 1919 - Nagtipon ang mga delegado ng 27 bansa sa Paris upang makabuo ng mga kasunduang pangkapayapaan
  • Kasunduan sa Versailles
    Ang pinakamahalagang kasunduang pangkapayapaan sa Paris. Dito itinatag ng Allied Powers ang kahilingan at pakikipagsundo sa Germany
  • Hunyo 28, 1919 - Nilagdaan ng mga miyembro ng Allied powers at Germany ang Kasunduan sa Versailles
  • Nagalit ang mga bansang bumubuo sa Central Powers nang maisakatuparan ang nilalaman ng mga kasunduang pangkapayapaan sapagkat ito ay hindi makatwiran sa kanilang pananaw
  • Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    Itinuturing pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan. Tinatayang nasa 60 bansa ang nasangkot at naapektuhan dito
  • Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • 70 hanggang 85 milyong tao ang namatay dahil sa digmaan (20 milyong sundalo at 40 milyong sibilyan)
    • Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagwasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa
    • Bumagsak ang pamahalaang tolitaryong Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito
    • Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa mga opisyal ng bayan at pinunong military
    • Naging daan sa paglaya ng iba't ibang bansa gaya ng Pilipinas
  • United Nations
    Isang organisasyong pang-internasyonal na pinirmahan ang UN Charter noong Oktubre 24, 1945
  • Layunin ng United Nations
    • Maging sentro ng pagkakasundo ng mga bansa
    • Paunlarin ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa
    • Panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad
    • Makipagtulungan sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning pandaigdig at sa pagtataguyod ng respeto para sa karapatang pantao
  • European Union (EU)

    Isang pang-ekonomiko at pampolitikal na samahan ng 27 mga bansa sa Europa. Itinatag ang European Union noong Nobyembre 1, 1993 sa pamamagitan ng Maastricht Treaty
  • Organization of American States (O.A.S)

    Ito ay isang pandaigdigang samahan na mayroong 35 kasaping nagsasariling estado ng Amerika na nakabase sa Washington, D.C., Estados Unidos
  • Organization of Islamic Cooperation (O.I.C)

    Ang samahan ng mga bansang Muslim na ito ay naglalayong siguruhin at protektahan ang interes ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan
  • ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)
    Isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya