ang pamumuhay ng mga pilipino sa ilalim ng hapones

Cards (21)

  • Ang pagsuko ng Corregidor ay hudyat ng pagwawakas ng organisadong pakikipaglaban ng mga Amerikano at Pilipino sa mga Hapones.
  • Enero 3, 1942 - isinailalim sa batas militar ang buong Pilipinas.
  • Ipinahayag din ng mga Hapones na ang kanilang layunin ay palayain ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano.
  • Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, isang organisasyon ng mga bansa na pinamumunuan ng mga Hapones.
  • Nagpahayag ang mga Hapones na hahatulan ng parusang kamatayan ang sinumang lalabag sa itatakda nilang batas.
  • Maraming Pilipino ang nakaranas ng tortyur sa kamay ng mga Hapones.
  • Iba’t ibang pamamaraan ng pagtortyur ang isinagawa tulad ng pambubugbog, water cure, at pagbunot ng mga kuko sa kamay at paa.
  • Kempeitai, ang sikretong kapulisan ng mga Hapones sa mga sakop na teritoryo.
  • Maraming kababaihan din ang naging biktima ng panggagahasa ng mga Hapones.
  • Nagkaroon din ng mga kaso ng kababaihang ginawang comfort women ng mga Hapones.
  • Sila yaong sapilitang kinuha ng mga sundalong Hapones at dinala sa mga tinatawag na comfort station para paulit-ulit na gahasain.
  • Nagtayo ang mga Hapones ng mga comfort station  sa Maynila, Pampanga, Iloilo, Aklan, Sorsogon, at Masbate.
  • Kaakibat nito ang pagtuturo ng kulturang Hapon at pagpupunyagi sa kulturang Pilipino.
  • Paglipas ng ilang buwan ay nakontrol na ng mga Hapones ang lahat ng mga publikasyon sa bansa ilalim ng kompanyang Manila Sinbun-sya.
  • Kalaunan ay pinayagang buksan muli ang ilan sa mga ito ngunit sa ilalim ng mahigpit na sensura ng mga Hapones.
  • Ipinasara ng mga Hapones ang mga pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng mamamayan tulad ng mga pahayagan at mga estasyon ng radyo.
  • publikasyon - pahayagan, aklat, at magasin
  • Naging behikulo ng mga Hapones ang KALIBAPI para maipatupad ang mga pagbabagong pampolitika sa bansa
  • Ginamit ang salitang makapili para tukuyin ang mga Pilipinong ipinagkanulo sa mga Hapones ang mga miyembro o pinaghihinalaang miyembro ng kilusang gerilya.
  • Ngunit hindi nagtiwala ang mga Pilipino sa paggamit ng pera ng hapones. Isang dahilan nito ay mukha lamang itong laruang pera.
  • Buy & Sell - Ito ay uri ng pagnenegosyo na ang isang tao ay bumibili ng mga napaglumaan o ninakaw na gamit para ibenta sa mas mataas na halaga.