Madalas siyang nakagagawa ng pagkakamali sa kanyang buhay sapagkat siya ay tao lamang
Ang matahimik na pamumuhay ng kaharian ng Berbanya ay utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait nilang pinuno na si Haring Fernando at kanyang butihing kabiyak na si Reyna Valeriana
Biniyayaan sila ng tatlong makikisig, matitikas, at matatalinong anak na lalaki. Ang panganay ay si Don Pedro, pangalawa si Don Diego, at ang bunso ay si Don Juan
Dahil pinili ng magkakapatid ang mamuno sa kaharian, pinag-aral sila ng hari at sinanay sa paghawak ng mga sandata
Ang kaligayahan sa palasyo ay napalis at nauwi sa kalungkutan nang magkasakit si Haring Fernando dahil sa isang panaginip
Isang manggagamot ang nagsabing, ang tanging lunas sa kanyang karamdaman ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa kabundukan ng Tabor
Paglalakbay ni Don Pedro
1. Inihanda ang kabayo
2. Naglakbay patungo sa kinaroroonan ng Piedras Platas
3. Namatay ang kabayo kaya napilitan siyang maglakad
4. Nakarating sa Bundok Tabor
5. Nakita ang puno ng Piedras Platas
Nakatulog si Don Pedro at di napansin ang pagdating ng ibon
Pagdating ng Ibong Adarna
1. Umawit ng pitong beses
2. Nagpalit ng kulay ng balahibo ng pitong beses
3. Dumumi at napatakan si Don Pedro kaya't siya'y naging bato
Paglalakbay ni Don Diego
1. Namatay ang kabayo
2. Limang buwan naglakbay bago narating ang Bundok Tabor
3. Naghintay sa puno ng Piedras Platas
4. Nakita ang Ibong Adarna at nasaksihan ang pagpapalit ng balahibo
Matapos ang ikapitong awit, dumumi ang ibon at napatakan si Don Diego. Katulad ni Don Pedro, siya ay naging bato
Tatlong taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik ang magkapatid kaya't lubhang nabahala ang buong kaharian
Si Don Juan ay labis namang nag-aalala sa karamdaman ng ama kaya't nagpaalam siyang hahanapin ang lunas sa sakit ng hari at pati na rin ang dalawang kapatid
Paglalakbay ni Don Juan
1. Nagsimulang maglakbay na ang tanging dalang baon ay bendisyon ng kanyang ama at limang pirasong tinapay
2. Narating ang Bundok Tabor
3. Natagpuan ang matandang leproso
Binilinan siya nito na huwag maaliw sa isang punong kaakit-akit sapagkat maaari din siyang maging bato
Ipinahahanap nito sa kanya ang isang bahay at doon matatagpuan ang taong magtuturo sa Adarna
Pagdating ni Don Juan sa dampang tinutukoy ng matandang leproso
1. Pinuntahan niya iyon upang kausapin ang ermitanyong nakatira roon
2. Pinatuloy ng ermitanyo si Don Juan at pinakain
3. Sinabi ng prinsipe ang kanyang pakay
Labaha at pitong dayap
Binigay ng ermitanyo kay Don Juan
Paghihintay ni Don Juan sa Ibong Adarna
1. Pagdapo nito sa Piedras Platas, umawit na ito
2. Inantok si Don Juan
3. Dinukot niya ang labaha at hiniwa ang palad
4. Pinigaan niya ng dayap ang kanyang sugat
Pitong awit ang ginawa ng ibong Adarna kaya't pito rin ang naging sugat ni Don Juan
Pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna
Tinalian niya ng gintong sintas ang mga paa nito
Nailigtas din ni Don Juan ang dalawa niyang kapatid at gayon na lamang ang kaligayahan nila sa muli nilang pagkikita
Ginamot ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan at pagkatapos ay nagkaroon sila ng salu-salo
Masayang nagpalam ang tatlo at sila'y binasbasan ng ermitanyo sa kanilang paglalakbay pauwi ng Berbanya
Dahil sa inggit, pinagbalakan nang masama ni Don Pedro ang kapatid na si Don Juan
Binugbog nila si Don Juan at iniwang halos wala nangbuhay
Dinala nila ang ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya, natuwa ang buong kaharian sa kanilang pagdating
Halos ikamatay ng hari ang tugon ng magkapatid
Samantala, ang ibong Adarna ay ayaw umawit at naging napakalungkot
Hindi makagulapay si Don Juan sa tinamong hirap, bugbog, at sakit ng katawan na ginawa ng dalawa niyang kapatid
Hiniling niya na kung hindi siya papalaring mabuhay, loobin sana ng Panginoon at Mahal na Birhen na mabuhay ang kanyang ama
Inihingi na rin niya ang kapatawaran ang mga ito sa Panginon
Pagdating ni Don Juan sa kaharian ng Berbanya
Biglang sumigla ang Ibong Adarna at nagsimula na itong umawit
Nabatid ng hari at ng buong kaharian ang kataksilan nina Don Pedro at Don Diego
Pinatawad ng hari sina Don Pedro at Don Diego
Dahil na rin sa tuwa ng hari, inatasan niya ang tatlong prinsipe na magbantay sa Ibong Adarna upang ito ay mapangalagaang mabuti
Naisip ni Don Pedro na pakawalan ang ibon
Nang malamn ito ng hari ay inutusan ang dalawang prinsipe upang hanapin si Don Juan