MODULE 14

Cards (38)

  • Modyul 14 Title: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
  • Pagpapasya - kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging sigurado at hindi maligaw.
  • Pagpapasya - Ito ay dapat na makabubuti sa
    sarili, sa kapwa at sa lipunan.
  • Sa pagpapasya, kailangan mo ng gabay.
  • Kahalagaha ng direksiyon ang buhay ng tao:
    • ikaw ay nasa kritikal na bahagi ng iyong buhay kaya mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na mga pagpapasya.
    • kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo
  • Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong TUNGUHIN sapagkat kung hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na lamang sumunod sa idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.
  • Personal na Misyon sa Buhay ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
  • Personal na Misyon sa Buhay - Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.
  • Personal na Misyon sa Buhay - Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo.
  • Personal na Misyon sa Buhay - Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.
  • Personal na Misyon sa Buhay - Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw
  • Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People “Begin
    with the end in mind.”
  • Ano ang sinabi ng isang manunulat tungkol sa kung ano ang dapat nating iniisip: “Begin with the end in mind.”
  • Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
  • “All of us are creators of our own destiny.”
    Ang ibig sabihin nito ay, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan.
  • Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga katanungang:
    1. Ano ang layunin ko sa buhay?
    2. Anu-ano ang aking mga pagpapahalaga?
    3. Ano ang mga nais kong marating?
    4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?
  • Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
    1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
    2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha
    3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya,trabaho,komunidad at sa iba pang dapat gampanan.
    4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon,hindi upang ipagmayabang sa iba.
  • Misyon - hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan.
  • Misyon - ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
  • Maaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapwa, paaralan, simbahan, lipunan o sa trabaho o gawain na iyong ginagawa.
  • Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon.
  • Ang bokasyon ay galing sa salitang Latin na “vocare”, ibig sabihin ay “calling” o tawag.
  • Bokasyon - Ito ay malinaw na ang bawa’t tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Nya sa atin.
  • Bokasyon - Ito ay mahalaga sa pagpili mo ng propesyong akademiko,teknikal-bokasyonal, isports at sining pagkatapos mo ng Senior High School.
  • Propesyon - trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
  • Propesyon - resulta ng kanyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at nagiging eksperto na siya dito
  • Propesyon - maaring gusto niya o hindi ngunit
    kailangan niyang gawin sapagkat ito ang pinagkukunan niya ng kanyang ikabubuhay.
  • At dahil sa ikabubuhay lamang nakatuon ang kanyang paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.
  • Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon subalit nagiging mas kawili-wili ang paggawa para sa tao.
  • Wika nga ni Fr. Jerry Orbos: ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay
    magkaroon ng misyon.
  • Misyon - hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag.
  • Ang tunay na misyon ay ang Maglingkod.
  • Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang
    magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.
  • Specific (Tiyak) - Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay ispesipiko.
  • Measurable (Nasusukat) - Kailangan na ang isusulat mo sa iyong personal na pahayag ng misyon ay kaya mong gawin at isakatuparan.
  • Attainable (Naaabot) - Ito ba ay kaya kong abutin o kaya ko ba itong gawin? Ito ba ay makatotohanan?
  • Relevant (Angkop) - Ito ba ay angkop para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapwa?
  • Time Bound (Nasusukat ng Panahon) - Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong isinulat.