Ang pambansang kaunlaran

Cards (29)

  • Ang bawat bansa ay naglalayon na matamo ang kaunlaran.
  • Ano ang 2 terminolohiya na madalas napagpapalit ang kahulugan tuwing pinag-uusapan ang kaunlaran?
    1. Economic growth
    2. Economic development
  • Economic growth - mas madaling makita sa isang lipunan; pisikal at positibong pagbabago na ating nakikita sa lipunan.
  • Economic development - mas malawak na ideyang tumutukoy sa isang progresibo at aktibong proseso na kinabibilangan ng partisipasyon ng lipunan.
  • May dalawang uri ang economic development ayon kina:
    1. Michael P. Todaro
    2. Stephen C. Smith
  • Tradisyonal - sa pananaw na ito, binibigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng income per capita
  • Moderno - sa pananaw na ito, ang pag-unlad ay kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
  • Pambansang kaunlaran - hinahangad ng bawat pamahalaan at bawat makabayang mamamayan
  • Pambansa - mula sa salitang bansa na tumutukoy sa kabuuang nasasakupan ng buong teritoryo.
  • Kaunlaran - nagmula sa salitang unlad na isang estado o kalagayan kung saan nakamit ang malaking pagbabago
  • Ano ang 2 pananaw sa kaunlaran?
    1. Growth-oriented development
    2. Sustainable development model
  • Growth-oriented development - ang pag-unlad ay sinasabing isang proseso ng paglaki ng ekonomiya; masusukat gamit ang GNI at GDP.
  • Epekto ng growth-oriented development:
    1. Paghikayat ng dayuhang capital
    2. Pagbibigay ng insentibo sa mga mangangalakal upang lalong mamuhunan
    3. Pagpapalakas sa export
    4. Paghikayat sa mamamayan na mangibang-bansa para magkaroon ng trabaho
    5. Pagtanggal ng mga sagabal sa pakikipagkalakalan
  • Sustainable development model - ang pag-unlad ay isang proseso ng pagpapalawak sa oportunidad ng mga tao; wellbeing.
  • Kaunlarang espiritwal - pagkakaroon ng maayos, payapa, at makabuluhang buhay.
  • Kaunlarang pantao - pagtataguyod at pagbabantay sa dignidad at karapatan at potensiyal ng tao.
  • Kaunlarang panlipunan - may katarungan at pagkakapantay-pantay sa oportunidad ng bawat kasapi ng lipunan
  • Kaunlarang pampolitika - demokratikong pamamahala; walang korupsiyon
  • Kaunlarang pangkultura - may paggalang sa ibang kultura
  • Kaunlarang pang-ekonomiya - may pagkakataon na ang bawat mamamayan na makalahok at makinabang sa mga gawaing pangkabuhayan.
  • Kaunlurang pang-ekolohiya - may pakundangan o paggalang sa kalikasan
  • Sa tradisyonal na paraan at pananaw, tanging ang pagsukat sa antas ng ekonomiya ang ginagawang batayan ng pag-unlad ng bansa.
  • Madalas sinusukat ang GNI at GDP upang masabi kung umuunlad ba ang bansa.
  • Mataas na Gross national income - ang palatandaan na ito ay itinataguyod ng mga ekonomista. Nakabatay ito sa ekonomiya, lalo na sa pagsukat ng paglago nito.
  • Mataas na Human development index - ang palatandaan na ito ay itnaguyod ng UN; sumusukat sa haba at tagal ng buhay.
  • Mahbub Ul Haq - ekonomistang pakistani na nanguna sa pagsulong ng HDI
  • Mataas na gender development index - sumusukat sa laki o liit ng pagitan ng pag-unlad ng mga babae at lalaki
  • Mababang multidimensional poverty index - sumusukat sa pagkukulang sa tahanan at indibidwal na kalusugan, edukasyon, etc.
  • Mataas na quality of life index - sumusukat sa pagiging kontento ng tao sa kaniyang kalusugan, edukasyon, etc.