Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
Ang sulating pananaliksik ay hindi basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primary at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang ang obhetibonginterpretasyon ng manunulat sa impormasyong nakalap.
Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik (Spalding, 2005).
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
Bago makabuo ng isang mabisang pananaliksik kinakailangang maisaalang-alang ang mabusising pagpili ng paksa kung saan ito ay isa sa pinakamahamong bahagi.
Ang pagpili ng mabisang paksa ang magsisilbing pundasyon ng isang pananaliksik.
Internet at Social Media – naging bahagi na ng buhay ng tao. Hindi matatawaran ang kontribusyong naihatid nito sa tao, mula sa pangyayari sa loob at labas ng bansa ay maaaring makita rito. Ito ang karaniwang tinitingnan mula sa paggising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi. Napakaraming impormasyong taglay nito kung magiging mapanuri.
Telebisyon – isa pa sa mga uri ng media nalaganap lalo na sapanahon ng cable at digital. Sa panonood ng mga balita, mga programang pantanghali, teleserye, talk shows at iba pa ay maaaring mapagkunan ng paksang maaaring gawan ng pananaliksik.
Diyaryo at Magasin – pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinion, editoryal at mga artikulo. Suriin at baka naririto ang mga paksang aakit sa iyong atensyon
Mga Pangyayari sa Paligid – ang pagiging mapanuri sa mga pangyayari o bagong kalakaran sa paligid ay maaaring maging paksa ng pananaliksik.
Sa sarili – kung may tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman maihanap ng kasagutan. O kaya’y may interes ka o mga bagay na “curious” ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito. Maaaringmula sa mga tanong na ito mula sa iyong sarili ay makbuo ka ng makabuluhang paksa.
Interes at kakayahan – dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin. Sa ganitong paraan mas mabilis ang daloy ng pagsasagawa ng pananaliksik dahil gusto mo ang iyong ginagawa.
Mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian. Kahit gaano man kaganda ang nailing paksa, mahirap pa ring maisakatuparan dahil sa kakulangan ng materyales na gagamitin bilang sanggunian.