Unang tinitignan paggising sa umaga at huling sinilip bago matulog sa gabi
Maraming impormasyong taglay ang internet
Telebisyon
Isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television.
mga balita, mga programang pantanghali, teleserye, talk shows, at iba pa
Diyaryo at Magasin
mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Gawin mo rin ito sa mga magasin naman
Suriin at baka naririto lang ang paksang aakit sa iyong atensiyon.
Mga pangyayari sa iyong paligid
Kung magiging mapanuri ka ay maaaring may mga pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuonan mo ng pansin at maaaring maging paksa ng iyong pananaliksik.
Sa sarili
Mga tanong na hinahanapan ng kasagutan
Baka may interes ka o mga bagay na curious ka
Sulating Pananaliksik
• Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba't ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ne isang tunay na sulating pananaliksik (Spalding, 2005).
Sulating Pananaliksik
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang bigyang-linaw, ibig patunayan, o pasubalian
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin:
1. isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya.
2. mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito.
3. isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
Ang pananaliksik ay sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang at kukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
Ordinaryong Ulat
Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang pangkaraniwang teksto
Kaunting sanggunian lang ang ginagamit
Sulating Pananaliksik
Ang pokus ay mas limitado
Marami at malawak ang sanggunianng ginagamit
Katangian ng Pananaliksik
Obhetibo
Sistematiko
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Empirikal
Kritikal
Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
Dokumentado
Obhetibo - Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
Sistematiko- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan - Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
Empirikal- Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik
Kritikal- Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag- aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan - Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
Dokumentado - Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
Mga uri ng pananaliksik
Basic Research
Action Research
Applied Research
BASIC RESEARCH - Agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
ACTION RESEARCH - Makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
APPLIED RESEARCH - ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
Mga Tip o Paalala sa pagpili ng Paksa
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo
May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Mga hakbang sa pagpili ng paksa
Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik