Hudyo-Kristiyano: ang mga babae ay dalisay, mabait, at mas mababa sa mga lalaking siyang namumuno sa relihiyon at may kontrol sa lipunan. Ang lalaki ay inihahalintulad sa langit na simbolo ng katalinuhan at espiritwalidad, ang mga babae naman ay simbolo ng materyal na kalikasan. Ngunit ang mas mababang papel ng mga babae ay hindi nakita noong sinaunang panahon bago lumitaw ang mga hari at reyna. Noon, pantay ang tingin sa lalaki at babae kabilang na ang mga diyos ng mga taga-Mesopotamia. Sa kristiyanismo, makikita ito nang tuksuhin ni Eba si Adan sa Hardin ng Eden na pinagmulan ng orihinal na kasalanan, ang mga babae ay tinitingnan bilang hindi malinis. Ang babaeng nanganak ng lalaki ay itinuturing hindi malinis sa loob ng pitong araw, at kung babae naman ay dalawang linggo. Sa Islam, maaaring mag-asawa ang lalaki hanggang gusto niya basta makatarungan siya sa mga asawa, at ang mga babae ay bawal turuan ng gurong lalaki o matingnan ng lalaking doctor