Pananaliksik ayon kay Parel, 1966 - Ito ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng mananaliksik
Pananaliksik ayon kay Villafuerte - Ito ay pagtuklas ng isang teorya,pagsubok sa teoryang iyon, at paglutas sa isang suliranin
Pananaliksik ayon kay Good - Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang paglutas sa suliranin gamit ang isang sistematikong metodo upang ito ay maisakatuparan
Katangian ng isang mahusay na pananaliksik:
Pagiging orihinal
May sistema
Obhektibo
Dumaan sa pagsusuri at validasyon
Napapanahon at naglalatag ng solusyon
Pagiging orihinal
Paglutas ng bago o masbagong kaalaman o solusyon
Totoo at orihinal na isinulat ng mananaliksik
May sistema
Maaaring kwantitatibo o kwalitatibo
Masistema ang mga hakbang para mapanatili ang maayos na resulta
Obhektibo
Batay sa empirikal na resulta
Patas ang pagtingin ng mananaliksik at editor
Makatotohanan ang mga datos
Dumaan sa Pagsusuri at Validasyon
• May respondente at partisipant
• Pagsangguni mula sa eksperto salarangan ng paksang sinasaliksik
• Editor, validator at research consultant
Napapanahon at Naglalatag ng Solusyon
• Magbigay ng malinaw na pagtingin, mungkahi at hakbang kung paano ilalatag ang solusyong iminumungkahi
Katangian ng mahusay na mananaliksik
Walang kinikilingan
Matiyaga at Disiplinado
Lohikal at bukas sa mga posibleng pagbabago
Marunong magsulat at magrebisa
May kakayahan sa pakikipanayam
Tapat sa kanyang materyal at kapwa mananaliksik
Matiyaga at Disiplinado
• Paglalaan ng mahabang oras at panahon, lakas at disiplina sa isip at pisikal na pangangatawan
Lohikal at Bukas sa mga Posibleng Pagbabago
• Lohikal at siyentipiko sa proseso atpagsusuri
• Bukas sa pagbabago sa instrumento, metodo, dagdagan ang datos
Marunong Magsulat at Magrebisa
• Kakayahang sumulat ng aktwal na pananaliksik mula sa pangangalap ng datos, pagsulat ng panukalang papel, tentatibong balangkas, hanggang sa pagbuo ng bawat kabanata
• Bukas ang isipan sa rebisyon mula sa mungkahi ng tagapayo o editor para sa pagpapaunlad pa ng awtput
May Kakayahan sa Pakikipanayam
• May kakayahang sumunod sa etika ng pakikipanayam
• Handa sa pakikipanayam sa sinumang taong makakatulong sapagpapabuti ng pananaliksik
Tapat sa Kanyang Materyal at Kapwa Mananaliksik
• Maingat at matapat sa pagsasagawa ng kaniyang pananaliksik at kinikilala ng maayos ang sanggunian at manunulat (proper citation o acknowledgement)
Kahalagahan ng pananaliksik sa sarili at pamilya:
Pinapaunlad ang mga sumusunod:
• kakayahang pang-isip
• makro kasanayang pangwika
• kritikal at malikhaing pag-iisip
Ang ambag sa kabuuan ng pananaliksikay babalik bilang mahalagang tulong sapamilya.
Kahalagahan ng pananaliksik sa paaralan:
Pagbibigay kaalaman, kakayahan at kalayaan ng mag-aaral sa proseso atpagsulat ng pananaliksik
Kahalagahan ng pananaliksik sa lipunan:
• Nakakatulong sa pagtugon ng anumang krisis o isyung kinakaharapng lipunan
• Naaabot at nababatid ang pinakamabuting panukala, mungkahi at hakbang sa paglutas ng isang problema
Kahalagahan ng pananaliksik sa daigdig:
• Naibabahagi ang mahahalagangkaalaman sa teknolohiya, sining,arkitektura, edukasyon at iba panglarangan
Atty. Rolando Bernales - Research is an indispensable tool for nationaldevelopment.