AP_PRE-ASSESSMENT (4TH QUARTER)

Cards (44)

  • pagkamamamayan
    kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
  • artikulo IV
    bahagi ng Saligang Batas na nagsasaad ng pagkamamayang Pilipino ng isang indidbidwal.
  • seksyon 1
    bahagi ng Saligang Batas na nagsasaad ng pamanatayan ng pagkamamamayang Pilipino ng isang indibidwal
  • katutubo Inianak
    Mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin
  • naturalisasyon
    isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa
    isang proseso sa korte o hukuman
  • dual Citizenship
    Ito ay ang pagkakaroon ng isang indibidwal ng dalawang pagkamamamayan
  • jus sanguinis
    Isang legal na prinsipyong nagsasasaad na sa kanyang kapanganakan ay nakukuha ng isang indibidwal ang
    pagkamamamayan batay sa kanyang magulang.
  • jus loci/solis
    isang legal na prinsipyo na nagsasaad na ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa lugar ng
    kanyang kapanganakan.
  • . Artikulo IV ng Saligang Batas ng Pilipinas 1987
  • SEKSIYON 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:

    (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Konstitusyong ito;
    (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
    (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
    pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
    (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
  • seksiyon 2
    Ang "katutubong" inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala
    "nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin ""upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
    Pilipino.
  • seksiyon 3
    Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
  • seksiyon 4
    Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng
    mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
  • seksiyon 5
    Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
    kaukulang batas.
  • Katangian Na Dapat Taglayin Ng Isang Aktibong Mamamayang Nakilalahok Sa Mga Gawaing Pansibiko .
  • makabansa
    maipapakita ito sa pamamagitan ng sumusunod na gawain
  • tapat sa bansa
    Nangangahulugan ito na handa tayong magmalasakit at maglingkod para sa bansa sa anumang
    oras kung may magnanais na pabagsakin ito
  • handang ipagtanggol ang estado
    Ang kahandaang ipagtanggol ang estado tulad ng ginawa ng ating mga
    bayani ay pagpapakita rin ng pagiging makabayan.
  • makatao
    Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan.
  • produktibo
    Ginagampanan ang tungkulin nang mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa.
  • may lakas ang loob at tiwala sa sarili
    Sa iba't ibang larangan naipapamalas nating mga Pilipino ang
    ating galing dahil sa tatag ng loob, kumpiyansa, at tiwala sa sarili na ating angkin.
  • makatriwan
    kumikilos nang naaayon sa isinasaad ng batas at pinahahalagahan kung ano ang tama.
  • makakalikasan
    pangangalaga at pagpapahalaga sa ating kapaligiran at pinagkukunang-yaman.
  • masandaigdigan
    Palagi nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa
    pangkalahatan
  • . Ang Kasaysayan ng Karapatang Pantao: Dokumentong Naglalahad ng mgaKarapatang Pantao
  • 539 BCE
    Pagkakaroon ng Cyrus cylinde
  • 1215
    Paglagda ng Magna Carta ni Haring John I ng England
  • 1628
    Ipinasa ang Petition of Rights
  • 1776
    Isinulat ni Thomas Jefferson ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika.
  • 1787
    Inaprubahan ang Saligang Batas ng United States
  • 1787
    Winakasan ang French Revolution
  • 1791
    Ipinatupad ang Bill of Rights
  • 1864
    Pagsasagawa ng First Geneva Convention
  • 1945
    Itinatag ang United Nation (Nagkakaisang Bansa
  • 1948
    Naitatag ang United Nations and Human Rights Commission
  • . Karapatang Pantao
  • natural rights
    Mga karapatan na taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado. Mga bagay na malayang nagagawa ng hindi
    idinidikta ng sinuman.
  • constitutional right
    Mga karapatan na ipagkaloob at pinapangalagaan ng estado. Mga karapatan na ipinagkakaloob ng batas.
  • . Mga Uri Ng Constitutional Rights:
  • karapatang sibil
    mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang
    pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas at pagsususulong ng kabuhayan at disenteng
    pamumuhay.