Pananaliksik - Ito ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng mananaliksik (Parel, 1966).
Pananaliksik - Ito ay pagtuklas ng isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon, at paglutas sa isang suliranin (Villafuerte).
Pananaliksik - Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang paglutas sa suliranin gamit ang isang sistematikong metodo upang ito ay maisakatuparan (Good).
Katangian ng Isang Mahusay na Pananaliksik
Pagiging Orihinal
➢ Pagtuklas ng bago o mas bagong kaalaman o solusyon
Katangian ng Isang Mahusay na Pananaliksik
May Sistema
➢ Maaaring kwalitatibo o kwantitatibo
Katangian ng Isang Mahusay na Pananaliksik
Obhektibo
➢ Batay sa empirikal na resulta
Katangian ng Isang Mahusay na Pananaliksik
Dumaan sa Pagsusuri at Validasyon
➢ May respondente at partisipant
Katangian ng Isang Mahusay na Pananaliksik
Napapanahon at Naglalatag ng Solusyon
➢ Magbigay ng malinaw na pagtingin, mungkahi at hakbang kung paano ilalatag ang solusyong iminumungkahi
Katangian ng Isang Mahusay na Mananaliksik
Walang kinikilingan
Matiyaga at Disiplinado
Lohikal at Bukas sa mga Posibleng Pagbabago
Marunong Magsulat at Magrebisa
May Kakayahan sa Pakikipanayam
Tapat sa Kanyang Materyal at Kapwa Mananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
Sa Sarili at Pamilya
kakayahang pang-isip
makro kasanayang pangwika
kritikal at malikhaing pag-iisip
Kahalagahan ng Pananaliksik
Sa Paaralan
• Pagbibigay kaalaman, kakayahan at kalayaan ng mag-aaral sa proseso at pagsulat ng pananaliksik.
Kahalagahan ng Pananaliksik
Sa Lipunan
• Nakakatulong sa pagtugon ang anumang krisis o isyung kinakaharap ng lipunan
Kahalagahan ng Pananaliksik
Sa Daigdig
• Naibabahagi ang mahahalagang kaalaman sa teknolohiya, sining, arkitektura, edukasyon at iba pang larangan.
Research is an indispensable tool for national development. - Atty. Rolando Bernales
Mga Dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
▪ Interes at kakayahan
▪ Kabuluhan ng paksa
▪ Limitasyon ng panahon
▪ Kakayahang pinansiyal
Mga paksang dapat iwasan
▪ Relihiyon at usapin ng moralidad
▪ Kasalukuyang kaganapan o isyu
▪ Paksang “gasgas” o gamit na gamit.
MGA ELEMENTONG MAKAKAPAGLIMITA NG PAKSA
❖ Panahon
❖ Uri o kategorya
❖ Edad
❖ Kasarian
❖ Lugar
❖ Pangkat o sketor
❖ Pananaw o perkspektiba
Panimula/Introduksiyon - Naglalahad ng pinag-aaralang paksa
Tesis na Pahayag
Pahayag ng deklarasyon ng nais patunayan o panindigan sa gagawing pananaliksik
Paglalahad ng Suliranin
Ito ay mahalagang bahagi ng pananaliksik na naglalatag ng mga tanong nan ais sagutin ng mananaliksik sa kaniyang pag- aaral.
Pangunahing tanong – nasa anyong tanong na inilahad na tesis ng pag-aaral
Sekondaryong tanong – layunin nitong tutukan ang detalye ng pangunahing tanong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga susi at tiyak na tanong.
Saklaw – nagsasabi kung ano lamang ang tatalakayin ng pananaliksik.
Limitasyon – ang hindi na saklaw ng pag-aaral
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Ipinapakita ang mga pangunahing sanggunian na gagamitin sa pananaliksik
Metodolohiya
Kailangan ng metodo sa pananaliksik na nababagay sayon sa kahingian sa paglalahad ng suliranin
Dalumat
Bahagi na tumatalakay sa mga konsepto o teoryang gagamitin sa pananaliksik
Pagtalakay sa resulta ng pag-aaral
Lohikal na presentasyon ng datas at resulta batay sa mga tanong na sinagot.
Kongklusyon (Buod at rekomendasyon)
• Nagsasaad ng buod ng pag-aaral
• Pagtalakay sa naging tugon sa
mga suliraning iihain sa pagaaral
Pumili ng Paksa
Gawing espisipiko o tiyak ang paksa
Pumili ng paksang kinagigiliwan at nangangailangan ng malalim na pagsusuri.
Iwasan ang paksang:
Masyadong teknikal
Tumatalakay sa moralidad
May limitadong paghahanguan ng sanggunian
Kumalap ng impormasyon
Maaring kumuha ng mga ideya at impormasyon mula sa Internet at silid-aklatan
Bumuo ng Tesis na Pahayag
Ay isang pangungusap na nagsasaad ng argumento ng sulatin at makikita sa panimulang bahagi ng papel
Gumawa ng Tentatibong Balangkas
ay isang lohikal at kongkretong pagkakasunod-sunod ng mga ideyang kailangang isali sa bubuuing sulatin
Iayos ang talata
Ito ang pinakamahalagang bahagi sa pagsulat ng pananaliksik
Isulat ang unang burador
Gumagamit ng paghahawig, buod, o sip isa pagsulat ng bawat ideya mula sa tala.
Rebisahin ang Balangkas at ang unang burador
Basahing muli ang buong naisulat na burador at iwasto ang mga naisulat kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa
Isulat ang Pinal na Papel
Simpleng pagwawasto ng nilalaman ng papel
Metodolohiya - Kalipunan ng pamamaraan o metodo na gagamitin o ginagamit ng mananaliksik.
Kwantitibo - Ang hinihinging datos ay napapatunayan batay sa persepsiyon, pananaw, at pagtataya ng mga kalahok sa pamamagitan ng sarbey at paggamit ng estadistika.
Kwalitatibo - Ang datos na hinihingi ay hinggil sa opinion, persepsiyon, at pananaw ng mga kalahok sa pamamagitan ng panayam, focus group discussion, at obserbasyon.