Pagiging kasapi o miyembro ng isang indibidwal sa isang estado o bansa batay sa itinatakda ng batas
Mga mamamayan ng Pilipinas
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas
Yaong ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
Yaong mga isinilang bago ang Enero 17, 1973, may Pilipinong ina, na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng kanilang karampatang gulang
Yaong mga naging mamamayan ng Pilipinas na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003 (RA 9225)
Batas na nagdedeklara na ang mga natural-born citizen ng Pilipinas na sumumpa ng pagkamamamayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay hindi nawawala ang kanilang pagkamamamayang Pilipino at maaaring muling maging mamamayang Pilipino
Pagkamit ng pagkakamamayan
1. Filipino by birth
2. Filipino by naturalization
Filipino by birth
Kinikilala ng Pilipinas ang prinsipyo ng jus sanguinis (right of blood) - ang pagkamamamayan ay nakukuha ng isang indibidwal sa kanyang kapanganakan batay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o isa man sa kanila
Filipino by naturalization
Ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamamagitan ng naturalisasyon ay isang hudisyal na paraan ng pagkuha ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino at pagbibigay sa kanya ng mga pribilehiyong katulad ng taglay ng isang likas na ipinanganak na Pilipino
Pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino
Ang isang indibidwal ay sumailalim sa proseso ng naturalisasyon ng pagkamamamayan sa ibang bansa, nanumpa ng pagkamamamayan sa ibang bansa, at ipinawalang bisa ang kanyang pagkamamamayang Pilipino
Sundalong tumakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan
Pagkawala ng bisa ng naturalisasyon ng pagkamamamayang Pilipino
Dual citizenship
Pagkakaroon ng isang indibidwal ng dalawang pagkamamamayan o citizenship bilang resulta ng interaksiyon ng mga batas sa pagitan ng dalawang bansa
Active citizenship o aktibong pagkamamamayan
Mga mamamayang nakikibahagi sa malawak na usapin at gawain na naglalayong maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya
Mga gawaing pansibiko tulad ng pakikibahagi sa mga gawain sa komunidad tulad ng pagboboluntaryo, pagkakawanggawa
Paghahain ng adbokasya at pagsunod sa batas at pakikiisa sa pag-unlad ng bansa
Pakikibahagi sa mga usapin at gawaing politikal tulad ng pagboto, pagtakbo sa isang posisyon, at pangangampanya sa eleksiyon
Katangian ng aktibong mamamayan
Nakikilala ang mga hamon o oportunidad sa pamayanan, paaralan, estado, o bansa na maaaring matugunan sa pamamagitan ng epektibong pagkamamamayan
Nagtataglay ng mga kaalaman at kasanayang kinakailangan upang maging ganap ang pansibikong tagumpay
Nagtataglay ng kaalamang nauukol sa mga demokratikong institusyon at proseso
Nagtataglay ng katangian ng isang makademokratikong mamamayan tulad ng pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng etnisidad, relihiyon. seksuwalidad, kasarian, at iba pang kalagayang panlipunan gayundin ang pagkakaiba-iba sa panlipunan at pampolitikang pananaw
Epektibong paggamit ng kasanayan, kaalaman, at pagpapahalaga upang makatugon sa oportunidad o hamon sa kanilang kapaligiran
Karapatan
Mahalagang salik na bumubuo sa buhay panlipunan ng bawat indibidwal
Natural rights o likas na karapatan
Mga karapatang ibinigay ng kalikasan sa sangkatauhan bago pa man sila maging bahagi ng lipunan o ng estado, tulad ng karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian
Legal rights
Mga karapatang kinikilala at pinaiiral ng estado, at ang paglabag nito ay pinarurusahan ayon sa batas
Uri ng legal rights
Civil rights
Political rights
Economic rights
Right of the accused
Civil rights
Mga karapatang nagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan ng estado na magkaroon ng maayos na pamumuhay
Karapatan
Ang natural rights o likas na karapatan ay bahagi ng pagiging likas ng sangkatauhan
Mga halimbawa ng likas na karapatan
Karapatang mabuhay
Karapatang maging malaya
Karapatang magkaroon ng ari-arian
Legal rights
Mga karapatang kinikilala at pinaiiral ng estado, at ang paglabag dito ay pinarurusahan ayon sa batas
Mga uri ng legal rights
Civil rights
Political rights
Economic rights
Right of the accused
Civil rights
Mga karapatang nagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan ng estado na magkaroon ng maayos na buhay sa lipunang kinabibilangan
Political rights
Mga karapatang nagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan na aktibong makibahagi sa mga usapin at gawaing pampolitika
Economic rights
Mga karapatang nagbibigay ng pang-ekonomiyang seguridad sa mamamayan
Mga halimbawa ng economic rights
Karapatang maghanapbuhay
Karapatang mabigyan ng tama at makatarungang sahod
Karapatang magpahinga
Karapatang magkaroon ng seguridad at kaligtasan sa trabaho
Right of the accused
Karapatang magbigay ng sariling salaysay bilang saksi, tumangging magbigay ng sariling salaysay ukol sa kaso o tumestigo laban sa sarili, at makaharap at siyasatin ang saksi laban sa kanya
Statutory rights
Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas
Mga halimbawa ng statutory rights
Minimum wage law
Karapatang magmana ng ari-arian
Katangian ng karapatang pantao
Inalienable
Essential
Humane
Irrevocable
Universal
Limited
Dynamic
Limits to State Power
Mga pangunahing anyo ng paglabag sa karapatang pantao
Genocide killing
Rape
Force sterilization
Sapilitang pagpapasailalim sa isang indibidwal na maging bahagi ng eksperimentong medikal at siyentipiko
Pang-aalipin, pagsasagawa ng torture, at human trafficking
Honor killings
Female infanticide
Pananadyang panggugutom
Pagdakip sa indibidwal o pangkat nang hindi dumaraan sa tama at legai na proseso