Ibong Adarna Buod

Cards (26)

  • Unang utos

    Patagin ang bundok,itanim ang trigo,paanihin kinagabihan,gawing tinapay,at ihain sa hapag ni haring salermo
  • Ikalawang utos

    Ibalik sa loob ng prasko(banga) ang 12 negrito at kailangan nasa hapag na ng hari kinaumagahan
  • Ikatlong utos

    Ilipat ang bundok sa tapat ng bintana ng hari
  • Ikaapat na utos

    Gawing kastilyo ang bundok,maglagay ng pitong(7) na hanay ng kanyon,mga sundalo,gumawa ng lansangan na magdudugtong sa kaharian
  • Ikalimang utos

    Hanapin ang singsing ng hari sa dagat
  • Ikaanim na utos

    Gawing maamo ang suwail na kabayo
  • Ikapitong utos

    Hanapin ni don juan si maria blanca sa tatlong(3) silid
  • Tatlong anak ni Haring Fernando:
    1. Don Pedro
    2. Don Diego
    3. Don Juan
  • Si Haring Fernando ay namuno sa Berbanya, habang si Haring Salermo ay namuno sa Reyno de los cristales
  • Sa kaharian ng Berbanya namuno si Haring Fernando. Siya ay may asawa na si Reyna Valeriana at tatlong anak. Isang gabi, nanaginip si Haring Fernando, at dahil sa panaginip, naging malubha ang kaniyang karamdaman. Nagpatawag ng albularyo ang magkapatid at ayon sa albularyo ang tanging lunas sa sakit ni Haring Fernando ay ang pitong (7) awit ng ibong adarna.
  • Ang ibong adarna ay matatagpuan sa puno ng piedras platas, bundok ng tabor. Si Don Pedro ang unang umalis para hanapin ang ibong adarna. Narating na niya ang piedras platas, ngunit siya ay nakatulog. Dumating na ang adarna, umawit na ng 7 beses, at iniputan si Don Pedro. Hindi siya nagtagumpay at siya ay naging bato.
  • Inutusan ni Haring Fernando si Don Diego para kunin ang Ibong Adarna nang malaman niya na hindi nakabalik si Don Pedro. Naglakbay siya, at katulad ni Don Pedro ay nakatulog. Nagbawas ang adarna at napatakan si Diego, kaya siya ay naging bato.
  • Dahil hindi pa nakakabalik si Don Diego, nagpasya si Don Juan na siya ang maghahanap ng Ibong Adarna, ngunit ayaw siyang pahintulutan ni Haring Fernando dahil natatakot ang hari na mawala sa kanya ang huling anak. Ngunit noong nagbanta si Don Juan na siya ay aalis ng palihim, siya ay tuluyang pinagayang umalis. Nagdala siya ng limang (5) tinapay para siya ay makakain. Habang siya ay naglalakbay, nakakita siya ng isang leproso na humihingi ng pagkain. Kahit nag-iisa lamang ang natitira sa dala niya, ibinigay niya ang tinapay sa leproso.
  • Dahil tinulungan ni Don Juan ang ketongin, binigyan siya ng instruksyon na pumunta sa ermitanyo. Siya ay kumain muna at nag-usap na sila. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.
  • Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid.
  • Dahil sa inggit, kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi umawit ang ibon. Isang matanda ang tumulong sa kay Juan at sya'y hinilot hanggang gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.
  • Nais ni Haring Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, ngunit nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na ni Don Juan. Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenya dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid.
  • Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenya. Sa kanilang paglalakbay pabalik, isang araw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpiyente na may pitong ulo at higante.
  • Unang pinatay ni Don Juan ang Higante at iniligtas si Prinsesa Juana. Nagandahan si Juan sa prinsesang nasa harapan niya. Paki-usap ni Prinsesa Juana kay Juan na iligtas din ang kaniyang kapatid na si Prinsesa Leonora. Nang makita ni Juan si Prinsesa Leonora, umibig na siya sakaniya. Naglaban sila ng serpiyente, at binigyan ni Leonora si Juan ng balsamo upang patayin ang serpiyente.
  • Dahil doon, sumama sina Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, ngunit naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Daling binalikan ni Juan ang singsing, ngunit pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at siya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.
  • Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong (7) taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon satulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna.
  • Si Don Juan ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng Reyno de los cristales. Nang marinig nya ito, siya ay nagpasya na hanapin ang kahariang ito. Hinanap niya ang isang ermitanyo na may edad na 500 subalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Reyno de los cristales, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800. Sinabi ng ermitanyo na may edad na 800 na sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y makakarating sa kaharian.
  • Isang buwan na ang kanilang paglalakbay papuntang Reyno de los cristales, at nakarating na sila. Itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria Blanca at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit at siya ay nagalit dahil hindi niya mahanap. Nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin niya na umalis si Don Juan dahil magagalit si Haring Salermo.
  • Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Nagbigay siya ng pitong (7) utos kay Juan, at lahat nito ay kaniyang nagawa. Lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa. Ang napili ni Juan ay si Maria. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at isinumpa niya na siya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.
  • Umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Ngunit ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria.
  • Upang maalala ni Juan kung sino talaga ang tunay niyang mahal. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan ang negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.