GRADE 12 - SAFILAK MIDTERMS

Cards (79)

  • Pagsulat - pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan.
  • Pisikal na gawain - kinakailangan ang kamay at mata
  • Mental na gawain - imposibleng hindi gumamit ng isip sa pagsusulat
  • Badayos - ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pasulat sa unang wika o di naman kaya'y pangalawang wika.
  • Hellen Keller - ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
  • Peck at Buckingham - ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao sa kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.
  • Xing at Jin - ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang elemento.
  • Personal - Ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning ekspresibo o pagpapahayag ng iniisip o nadarama
  • Sosyal - Ginagamit sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyonal
  • Impormatibong Pagsulat - Naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.
  • Impormatibong Pagsulat - Ang pagsulat ng ulat sa oberbasyon, mga estadistikal na datos na makikita sa libro at ensayklopidya, balita at teknikal na ulat.
  • Mapanghikayat na pagsulat - Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion, o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng awtor na may-ari nito.
  • Mapanghikayat na pagsulat - Ang pagsulat ng mga proposal, sanaysay, at talumpati ay ilan sa mga kabilang sa ganitong uri.
  • Malikhaing pagsulat - Akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda.
  • Malikhaing pagsulat - Layunin ay pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
  • Pre-writing - Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rin ito sa pagpili ng paksang isusulat at pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng tono at perspektibong gagamitin ay nagaganap din sa hakbang na ito.
  • Pre-writing - Saklaw nito ay brainstorming, questioning, pagbabasa, pananaliksik, obserbasyon, pag-iinterbyu, at iba pa.
  • Actual Writing - Dito isinasagawa ang aktwal na pagsusulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft. Dito ipinagsasama-sama ang mga datos na nakalap ng manunulat.
  • Rewriting - Ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng burador/draft batay sa tuntuning panggramatika, bokabularyo, at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
  • Rewriting - Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto o epektibo kung hindi ito daraan sa editing at rebisyon.
  • Extract from o Drawn away - abstractus
  • Abstrak - ginagamit bilang buod ng isang akademikong sulatin, partikular na ng pananaliksik
  • Abstrak - Naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraan, resulta, at kongklusyon. Kadalasan, ito ang unang mababasa sa isang papel pananaliksik.
  • Pananaliksik - tumatalakay sa tukoy na paksa at sinisimulan ang pagsusulat sa simula ng pag-aaral.
  • Abstrak - nangangailangan muna ng pagsusuri ng buong dokumento bago ito maisulat.
  • Extract - pagkuha ng mahahalagang impormasyon na magpapakilala sa kabuuan ng pananaliksik na ginawa.
  • Deskriptibo - inilalarawan sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at paksa ng papel at hindi pa ang pamamaraan, resulta, at kongklusyon.
  • Deskriptibo - Ito ay para sa mga kwalitatibong pananaliksik at karaniwang ginagamit sa mga kursong agham-panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades.
  • Impormatibo - ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto, nilalagom ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
  • Impormatibo - Ginagamit sa kursong inhenyeriya, ulat sa sikolohiya, at agham. Ito ay para sa kwantitatibong pananaliksik.
  • Hakbang sa pagsulat ng abstrak - binubuo ng 200 - 500 na salita
  • Hakbang sa pagsulat ng abstrak - isulat ang mahalagang lagom mula sa paksa, kahalagahan, hanggang sa implikasyon sa mambabasa.
  • Hakbang sa pagsulat ng abstrak - siyasatin din kung nagamit ang mga nakalagay sa bibliyograpiya.
  • Hakbang sa pagsulat ng abstrak - siyasatin kung may kohesyon ang lahat ng mga bahagi sa kabuuan.
  • Hakbang sa pagsulat ng abstrak - basahin at unawain ang buong papel. Huwag kalimutang pagtuunan ang sinabi sa layunin, saklaw at delimitasyon, metodolohiya, resulta, kongklusyon, at rekomendasyon, gayundin ang ibang bahagi.
  • Hakbang sa pagsulat ng abstrak - Magsaliksik ng mga papel-pananaliksik ayon sa kinawiwilihan mong mga paksa o interes.
  • Synthitenai - put together o combines
  • Sintesis - nagagamit sa mga pagkakataon na masyadong mahaba ang paksang pinag-uusapan (halimbawa isang aklat o isang buong serye).
  • Sintesis - Binubuod nito ang mahahalagang bahagi gaya ng kahulugan, layunin, at kongklusyon.
  • Sintesis - sapagkat limitado ang oras sa mga pagtalakay sa maraming paksa, malaki ang maitutulong ng sintesis upang maunawaan ng mambabasa ang isang malawak na paksa o mahabang babasahin o panoorin, sapagkat nalalagom o nabubuod na ito ng sintesis.