Simuon - isang napakayamang mang-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral
KapitanHeneral - hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Larawan siya ng pinunong pabigla-biglang humahatol
Mataas na Kawani - siya ay isang kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at pananagutan
PadreFlorentino - isang mabuti at kagalang-galang na paring pilipino kahit pinilitn lamang siya ng kaniyang ina na maglingkod sa Diyos dahil sa kaniyang panata. Siya ang kumopkop sa pamangking si Isagani.
Padre Bernardo Salvi - isang paring pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umiibig siya nang lubos kay Maria Clara
Padre Hernando Sibyla - isang matikas at matalinong paring dominiko. Siya ang vice-rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Padre Irene - isang paring kanonigo na minamaliit at di gaanong ginagalang si padre camorra; siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magakroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang kastila.
PadreFernandez - isang paring dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa mga estudyante sa pag-aaral ng wikang kastila
PadreCamorra - isang batang paring pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong mga bagay ang maibigan.
Padre Millon - isang paring dominiko na propesor sa pisika at kemika. mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mag-aaral.
TelesforoJuandeDios - kilala rin bilang KabesangTales; ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera.
Juliana o Juli - pinakamagandang dalaga sa tiani na anak ni kabesang tales; larawan sya ng pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
TataSelo - ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni kabesangtales
Tano/Carolino - anak ni kabesang tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo
Basilio - nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagapaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Minamaliit ng kapwa mag-aaral.
Isagani - isang malalim na makata o manunugima. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kaniyang pinaniniwalaan kaninuman.
Makaraig - isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng wikang kastila
Placido Penitente - mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kaniyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ito.
Pecson - masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't ibang usapin. Hindi siya agad naniniwala sa mga bali-balita.
JuanitoPelaez - mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si placido; manliligaw ni Paulita Gomez
Sandoval - isang tunay na espanyol si sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng pilipino.
Tadeo - siya ay lubhang tamad at nagsasakit-sakitan tuwing makakakita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglaskwatsa.
PaulitaGomez - isang masiyahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani.
Donya Victorina de Espadana - pilipinang walang pagpapahalaga sa kaniyang lahi; inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga indiong kaniyang kalipi
Dontiburciodeespadana - asawa ni donya victorina na nagtago at nagpasyang hindi na muling magpakita sa asawa dahil sa kapritso nito.
Kapitan Tiago - dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang mga loob sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kaniyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo
MariaClaradelosSantos - ang tanging babaeng iniibig ni Simuon sa kaniyang buhay. Isa sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simuonsa Pilipinas.
KapitanBasilio - isang mayamang mamamayan na taga San Diego. siya ang ama ni sinang at asawa ni kapitana tika
DonCustudio - nakapag-asawa ng mayaman at magandang mestiza. umangat ang kaniyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng kapitan heneral dahil sa likas niyang talino.
Ben Zayb - ang mamamahayag na malaya raw mag isip. Minsan ay katawa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng lathala. Mababa ang pagtingin kay padre camorra
Ginoong Pasta - naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong pilipino. Dating kaklase ni padre florentino
Pepay - isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina.
Hermana bali - isang batikang panggingera. siya ang nangunguna sa pagbibigay payo sa may suliranin sa kanilang baryo
Hermana Penchang - isang masimbahing manang. Naging panginoon ni juli. Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad
KapitanaTika - asawa ni kapitan basilio at ina ni sinang. ayaw niyang magpahalata na nagugustuhan niya ang mga tindang alahas ni smuon
Sinang - isa sa matalik na kaibigan ni maria clara sa noli me tangere. siya ay nakapangasawa na sa nobelang ito
KabesangAndang - butihing ina ni placidopenitente. kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak.
Quiroga - isang mayamang intsik na mangangalakal. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan
dontimoteopelaez - siya ang ama ni juanito pelaez. larawan siya ng mapandustang mangangalakal. siya ang nakabili ng tahanan ni kapitan tiago
mr leeds - mahusay sa mahika. napaniwala niya ang mga manonood