Filipino El fili 1-4

Cards (23)

  • (K-1) Matapos ang 13 taong pamamalagi sa ibang bansa, sa wakas ay nagbalik na si Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Simoun at nagpanggap nga siyang isang mag-aalahas upang maghiganti sa pamahalaan. Nais niyang ipaghiganti ang tatlong mahal niya sa buhay sina Don-Rafael, Maria-Clara at Elias ang itinuring niyang lihim na kaibigan.
  • (K-1) Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don-Custodio, Donya-Victorina, Kapitan-Heneral, Padre-Salvi, Padre-Irene, Ben-Zayb, at Simoun
  • (K-1) Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan-Heneral. Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig.
  • (K-1) Iminungkahi ni Don-Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila. Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
  • (K-2) Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero (Mestizo, Indiyo, Itsik na mababa ang antas sa lipunan) at naroon din ang mga bagahe at kargamento na kung dito rin ay mainit at amoy na amoy ang mabahong nasusunog na langis at singaw nito.
  • (K-2) Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.
  • (K-2) Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas. Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa ngunit ito'y tinanggihan ng dalawa.
  • (K-2) Ayon kay Simoun, sinabi umano ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa. Tugon naman ni Basilio kay Simoun ay sabihin kay Padre Camorra na subukan niyang uminom ng tubig sa halip na serbesa at baka mawala ang sanhi ng usap-usapan.
  • (K-2) Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon dahil ang makina ay hahanapin pa. Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinatawag ding Kardinal Moreno.
  • (K-3) Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu. Ngunit nang manirahan daw dito ng mga criminal/tulisan ay nawala ang pangamba sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.
  • (K-3) Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa llog Pasig.
  • (K-3) Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo. Nabaling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Ayon kay Padre Salvi, nakasama raw ng ama ang bangkay ng kaniyang anak. Dagdag naman ni Ben Zayb, 'yon daw ang pinakamurang libing. Natahimik at namutla naman si Simoun.
  • (K-4) Si Tandang Selo na umampon noon kay Basilio na sa gubat ay matanda na. Ang anak nitong si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Barangay. May tatlo itong anak, sina Lucia, Tano at Juli. Namatay si Lucia at ang kaniyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay. Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.
  • (K-4) Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
  • (K-4) Nang 'di sapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang. Bisperas noon ng Pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang alila. Dahil sa pangyayaring ito ay hindi na nakapag-aral si Juli.
  • (K-5) Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang sedula. Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinong kay Haring Melchor.
  • (K-5) Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.
  • (K-5) Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila. Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.
  • (K-6) Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina. Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila.
  • (K-6) Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag- aral ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging "adsum" o "narito" ang kaniyang nababanggit. Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na mag-aral.
  • (K-6) Nagkaroon ng guro si Basilio na isang Dominiko at tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro at dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka.
  • (K-6) Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumipat sa Ateneo Municipal. Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang pumasok sa kumbento si Maria Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kaniyang hilig.
  • (K-6) Sa kaniyang 3 taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya nang makaipon ay nakapagbihis na siya nang maganda at nakapag- ipon din nang kaunti. Nasa huling taon na ng pag- aaral ng medisina si Basilio at kapag nakatapos ng pag-aaral ay pakakasal na sila ni Juli.