AP 10 Q4

Cards (18)

  • Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga tinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino.
  • SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino.
  • SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
  • SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito.
  • SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang kaukulang batas.
  • Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan. Maaari itong makamit sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng Kongreso. Ang mga mamamayan na sumailalim sa bisa ng naturalisasyon ay tinatawag na naturalisado.
  • Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang pagkamamamayan.
  • Jus Soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang.
  • Jus Soli - Ito ang prinsipyo na sinusunod sa bansang Amerika.
  • Jus Soli - Halimbawa, ang isang Pilipino na ipinanganak sa Amerika ay magiging American Citizen ito kahit Pilipino ang kanyang mga magulang dahil sa bansang Amerika siya ipinanganak.
  • Jus Sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas.
  • Jus Sanguinis - Halimbawa, kung ang isang dayuhang Indian ay nanganak sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ng kanyang anak ay Indian din katulad ng kanyang magulang kahit sa Pilipinas ito naipanganak.
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado.
  • Pagkamamamayan - Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin.
  • Sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ay may mga batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas.
  • Saligang Batas - Dito rin nakapaloob ang mga tungkulin at karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.
  • Aksyon ng Kongreso – pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino.
  • Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa – ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.