Ginagamit sa pagsasalita at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa
JOSE VILLA PANGANIBAN: 'Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao'
HENRY GLEASON: 'Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo'
Mga Katangian ng Wika
Tunog
Arbitraryo
Masistema
Sinasalita
Nakabuhol sa Kultura
Dinamiko
Malikhain
Makapangyarihan
Kahalagahan ng Wika
Kahalagahang Pansarili
Kahalagahang Panlipunan
Global/Internasyunal
Wikang Pambansa
Wikang itinadhana ng batas na ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa upang maging daan ng pagkakaisa
Manuel Luis Quezon y Molina - Amang Wikang Pambansa
Saligang Batas Artikulo 14, Seksyon 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Wikang Panturo
Opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon at ginagamit sa pagtuturo sa paaralan
Wikang Opisyal
Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan
Iminungkahi ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral sa Pilipinas. Sinusugan ito ni Pangulong Quezon (Komonwelt)
1934
Artikulo WIX, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa mga umiiral na katutubong wika. Ingles at kastila ang pansamantalang opisyal na wika habang hindi pa itinatakda ang bansa ang wikang pambansa
1935
Iprinoklama na ang Tagalog upang maging batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng kautusang tagapagpaganap Blg. 134
1937
Nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado
1940
Kasabay ng araw ng pagsasarili mula sa mga Amerikano, ipinahayag ding ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng batas Komonwelt bilang 570
1946
Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula tagalog ito ay naging Pilipino
1959
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensiyong konstitusyunal kaugnay sa usaping pangwika. Naging probisyong pangwika sa saligang batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, blg. 2
1972
Pinagtibay ng komisyong konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aguino ang implementasyon sa paggamit ng WIKANG FILIPINO
1987
Wikang Katutubo
Tinatawag na na unang wika ng isang tao – ang kinagisnan niyang wika sa panayanang kinalakihan niya
Bilingguwalismo
Paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika
Multilingguwalismo
Pagkakaroon ng natural na kasanayan at kahusayan sa paggamit ng higit pa sa dalawang wika