BALITA

Cards (8)

  • Ang BALITA ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang. Maaaring maibahagi ito sa midyum o pamamaraang pasalita, pasulat at pamaningin
  • KATANGIAN NG BALITA
    1. May ganap na kawastuhan
    2. Walang kinikilingan
    3. Kaiklian
    4. Kalinawan
    5. Kasariwan
    6. Timbang- kaukulang diin sa bawat katotohanan
  • ANYO NG BALITA
    1. TUWIRANG BALITA- Sinusulat ito gamit ang baliktad na piramede mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na kahalagahan ng balita. Hindi maligoy at maikli ang mga pangungusap na madaling maunawaan ng mambabasa. Halos sinasagot agad nito ang mga tanong tulad ng Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? at Paano?
  • 2. BALITANG LATHALAIN- Nababatay sa tunay na pangyayari ng tulad ng tuwirang balita.
    3. BALITANG IISA ANG PAKSA- Iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa katawan ng balita ipinaliliwanag ang detalye.
  • 4. BALITANG MARAMING ITINATAMPOK- Maraming bagay o paksa ang itinatampok sa pamatnubay. Nakahanay sa pahupang kahalagahan ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa katawan ng balita na ayon din sa pagkakaayos ng pamatnubay.
  • KAHALAGAHAN NG BALITA:
    1. Nagbibigay ng impormasyon
    2. Nagtuturo
    3. Lumilibang
    4. Nakapagbabago
  • BALITANG ISPORT
    • Isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga pangyayari sa mundo ng palakasan. Isa sa pinakamaganda at nakakaaliw na gawaing pampahayagan. Katulad din ng isang tuwirang balita, ginagamit din dito ang inverted pyramid style.
  • LIHAM SA EDITOR
    • Pagsulat ng liham sa editor na maaaring nagtatanong at nanghihingi ng kasagutan o kaya'y nagpapahayag ng sariling paglilinaw batay sa paniniliksik o pagsusuring isinagawa hinggil sa usaping kinaiinteresan. Mahusay itong paraan upang maimpluwensyahan ang publiko ng isang isyu na kinaiinteresan ng manunulat. Maaaring magpahayag ng pag sang-ayon o pagsalungat ukol sa iisang paksa. Paghahayag nang malinaw at tiyak na pagpili sa isusulat.