EsP 4th Grading

Cards (21)

  • Ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. -Hebreo 11:1
  •  Ang ginto, na nasisira, ay pinararaanan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaanan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. - 1 Pedro 1:7
  • Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo. -Roma 10:17
  • Ngunit maligaya ang taong nananalig kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y halamang nakatanim sa tabi ng batisan , ang mga ugat ay patungo sa tubig:hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mamamalaging luntian ang mga dahon nito, kahit di umulan ay wala itong aalahanin; patuloy pa din itong mamumunga. -Jeremiah 17:7-8
  • Anumang naisulat noon ay isinulat para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalaksan ng loob mula sa kasulatan, magkakaroon tayo ng pag-asa. -Roma 15:4
  • Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. -Awit 130:5
  •  At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin. -Roma 5:5
  • Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. - Jeremiah 29:11
  • Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.Lilipad silang tulad ng mga agila.    Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina. - Isaias 40:31
  • Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. -Galacia 3:26
  •  Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. -Roma 8:14
  • Kung paanong ang ama ay mahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sakanya. - Awit 103:13
  • Datapuwa't ang lahat ng kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan. -Juan 1:12
  • Magalak kayong lagi. Maging matiyaga sa pananalangin. Ipagpasalamt ninyo sa pangalan ni Cristo Jesus ang lahat ng pangyayari, sapagkat yaon ang ibig ng Diyos. 1 Tesalonica 5; 16-18
  • Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos. -Mateo 4:4
  • Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. - Juan 14:15
  • Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo. -Lucas 6:38
  •  Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. - Juan 3:16
  • Walang pag-ibig na hihigit pa kayasa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang kaibigan. - Juan 15:13
  • Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 2 Corinto 9:7-8
  • Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’” Gawa 20:35