Isagani - isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez
Basilio - isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap
Padre Camorra - paring mukang artilyero
Padre salvi - Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw
Padri sibyla - Vice rector ng Unibersidad
Padre Irene - kaibigan at tagapayo ni Kapitan tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang kastila
Padre Fernandez - may kaibang pangangatuwiran, kaiba sa kapuwa pari
Padre Florentino - Amain ni Isagani
Kabesang tales - naging cabeza de barangay, dati'y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan
Don Custodio - Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buenta tinta
Ginoong Pasta - isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsasanggunian din ng mga estudyante sa pagpapatayo ng Akademya
Ben zayb - manunulat at mamamahayag
Quiroga - kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado sa mga instik
Don Timoteo Pelaez - isang negosyante, masuwerteng nakabii ng bahay ni kapitan tiyago , ama ni Juanito
Kapitan Heneral - ang pinakamataas na pinuno ng bayan, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun
Placido Penitente - Nag-aaral ng pagkamanananggol magaling sa Latin, pinakamatalino sa bayan ng Batangas, hindi nakagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral
Makaraig - mayaman at isa sa pinakamasigasig na magkaroon ng Akademya ng wikang kastia
Juanito Pelaez - mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba
Sandoval - Isang kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kaniyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
Pecson - isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap.
Paulita Gomez - katipan ni isagani , mayaman , maganda, pamangkin ni Donya Victorina
Juli - katipan ni Basilio, anak ni kabesang tales , nagpaalila upang matubos ang ama
Doña Victorina - Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ng kanyang asawa
Hermana Penchang - ang manang na umampon kay juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia
Maria Clara - kasintahan at tinatangi ni Crisostomo/Simoun