FIL 5

Cards (11)

  • PAPAKSA
    Ang mga ideya ay nakasulat sa salita, parirala o
    prase, o kaya ay sa isang sugnay pagkatapos ng
    mga tradisyonal na simbolo.
  • BALANGKAS NA PANGUNGUSAP
    Ang balangkas na ito ay naglalaman ng mga kompletong
    pangungusap at may bantas na tuldok sa hulihan.
  • BALANGKAS NA TALATA (paragraph outline)
    Ito ay binubuo ng mga pangungusap na
    naglalahad ng nilalaman ng buong mga
    talata ng sulatin.
  • Mga dapat isaalang alang:
    • Basahin ng pahapyaw ang teksto
    • Suriin ang ideya sa binasa
    • Pagaaral ng mahalagang ideya
    • Tiyakin ang uri ng paksa
    • Pormal
    • Wastong bantas
  • Paraan ng paggawa:
    • Hanapin ang pangunahing diwa
    • Isulat ang pinakapamagat ng balangkas
    • Isulat ang pangunahing diwa
    • gamitin ang roman numerals sa pangunahing diwa
    • Malaking letra sa unang salita
    • Paglalagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals
    • Indention sa pangunahing diwa
    • Letra ang subtopic
    • Gumamit ng numero pang suporta sa paksa
    • Ipasok ito sa subtopic
  • Tiyak na Paksa
    Pinipili ng isang nagsasaliksik ang larangan ng
    kaalamang nais niyang siyasatin
  • Rasyonal
    Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayon at sa larangang
    kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring
    maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa
    pagtatangi ng napiling paksain.
  • Layunin
    Ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring
    maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang
    magbubukas ng pinto ng pagsisiyasat
  • Panimulang Haka
    Ang panimulang haka ay pagbuo ng panimulang
    tugon sa suliraning nais tuntunin
    Ang panimulang haka ay hindi dapat na maging tiyak
    sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng
    kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik
  • Sarbey ng mga sanggunian
    Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na
    pag-aaral ay listahang bibliograpikal ng mga pag-aaral na
    makakatulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.
  • Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik
    Ang metodolohiya o pamamaraan ng pagsisiyasat at
    pananaliksik ang mga balak na hakbang sa pangangalap ng
    datos at pag-iimbestiga ukol sa napiling paksa.