Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agricultural sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anuman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka, may hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa, sila ay makapagtitirang di hihigit sa 5 ektarya ng lupa, ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng 3 ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito, ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon, hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang: liwasan at parke, mga gubat at reforestration area, mga palaisdaan, tanggulang pambansa, paaralan, simbahan, sementeryo-temple, watershed at iba pa