Filipino

Cards (29)

  • Maria Clara Delos Santos
    Kasintahan ni Ibarra, Pilipinang may edukasyong sa doktrina ng relihiyon, lumaki sa kumbento, maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit, matatag
  • Crisostomo Magsalin Ibarra
    Nag-aral sa Europa na nangarap makapagtayo ng paaralan sa San Diego, kasintahan ni Maria Clara, kababata, sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral sa na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan
  • Elias
    Piloto / Bangkero, tumulong kay Crisostomo para makilala ng kanyang bayan ang mga suliranin nito, tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, may pambihirang tibay ng loob
  • Pilosopo Tasyo (Don Anastacio)
    Iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego, taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagtanto mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid, hilig sa mga idyoma, kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon
  • Don Rafael Ibarra
    Ama ni Crisostomo, namatay sa bilangguan, nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe, kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa
  • Padre Damaso Verdolagas
    Paring Pransiskano na dating kura ng San Diego, nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Instik, madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng magpaparangal
  • Padre Bernardo Salvi
    Paring Pransiskano, kurang pumalit kay Padre Damaso, pinakabata, sakitin, maingat sa pagtutupad ng kaniyang mga tungkulin, sa oras ng kaniyang pagsesermon ay hindi niya pinahihintulutang lumabas ng simbahan ang sinuman kaya't isinasara niya ang pintuan
  • Padre Hernando Dela Sibyla
    Paring Dominikano, lihim ay sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo, kura ng Binundok
  • Kapitan Heneral
    Pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya, tumulong kay Crisostomo para maalis siya sa pagka-ekskomulgado
  • Tenyente Gueverra
    Matatapat ng kaibigan ni Don Rafael, tenyente ng guardia civil, nagkuwento kay Crisostomo tungkol sa nangyari sa kanyang ama
  • Don Santiago (Kapitan Tiyago) Delos Santos
    Mayamang mangangalakal na taga-Binondo, amang-ama ni Maria Clara, asawa ni Donya Pia, taong magapanggan at laging masunurin sa makatataas sa kanya, walang pinapanginoon kundi ang salapi
  • Donya Pia Alba Delos Santos
    Ina ni Maria Clara, anim na taon ng kanilang pagsasama sa asawa niya ay hindi nagkaanak, namatay matapos maisilang si Maria Clara
  • Tiya Isabel
    Pinsan ni Kapitan Tiago, nag-alaga kay Maria Clara, mas kasama ni Maria Clara kumpara sa ama niya
  • Sisa
    Ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit, inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang, tiniis niya ang mga sakit para sa mga anak niya
  • Basilio
    Sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento, sinasagisag ang walang malay at inosente sa lipunan, sampung taon
  • Crispin
    Kapatid na bunso ni Basilio, sakristan, tumulong kay Basilio sa pagtugtog ng kampana sa simbana ng San Diego, pitong taon
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Pilay at bungal na kastilyang nakarating sa Pilipinas para makapaghanap ng magandang kapalaran, asawa niya si Donya Victorina, sagisag ng taong walang panindigan at prinsipyo
  • Donya Victorina Delos Reyes de Espadaña
    Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña, mukha niya ay punong-puno ng kolorete, pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol, nagsasalita ng Kastilya bagama't ito'y laging mali
  • Donya Consolacion
    Labandera na nakapag-asawa ng Kastilya, maybahay ng Alperes
  • Alperes
    Lider ng guardia civil, asawa ni Donya Consolacion
  • Alfonso Linares
    Napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara, pamangkin ni Don Tiburcio de Espadaña
  • Kapitan Basilio
    Kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa, ama ni Sinang
  • Don Filipo Lino
    Tenyente mayor, Pinoy pero mahilig magbasa ng Latin, kaibigan ni Pilosopo Tasyo, asawa ni Donya Teodora Vino
  • Lucas
    Indio, kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipanatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo, hiningi ng danyos kay Crisostomo sa nagyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan
  • Maestro Nyor Juan / Nyol Juan
    Pinagkakatiwalaan at namamahala sa paaralan ni Crisostomo
  • Don Saturnino Ibarra
    Ama ni Don Rafael Ibarra, lolo ni Crisostomo
  • Salome
    Dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan, babaeng natatangi sa puso ni Elias
  • Kapitan Pablo
    Puno ng mga tulisan, tinuturing ama ni Elias
  • Iday, Victoria, Sinang, Andeng
    Mga kaibigan ni Maria Clara, Iday: maganda, Victoria: tahimik, Sinang: masayahing, Andeng: kinakapatid