Fil

Cards (12)

  • Ang ____________________________ ay isang kabuuan ng ideya, nabuo mula sa isang framework ng paksang talakayin
    Konseptong papel
  • Ang _________________________, ayon naman kina Constantino at Zafra (1997), ay ang estruktura o pinakabuod ng isang ideyang tumatalakay sa ibig patunayan, linawin o tukuyin

    Framework
  • Para saan ang konseptong papel?

    1.
    2.
    1. Nagsisilbi itong proposal ng mga estudyante sa kanilang gagawin pananaliksik

    2. Dito nalilinaw kung ano ang gagawin pananaliksik, dahilan, at kung paano isasagawa ang napiling pananaliksik
  • May mga konseptong papel na simple lamang at binubuo lang ng _______ hanggang __________ pahina. Maaari din naman itong maging detalyado na aabot hanggang ______________ pahina
    1 to 3, 10
  • Ang konseptong papel ay binubuo ng ____________ na bahagi
    4
  • Ano-ano ang 4 na bahagi ng konseptong papel?
    1.
    2.
    3.
    4.
    1. Rasyunal
    2. Layunin
    3. Metadolohiya
    4. Inaasahang awtput o resulta
  • Ang Rasyunal ay kung saan inilalahad ang kasaysayan o pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili ng mga mananaliksik ang partikular na paksa. Dito rin ipinaliliwanag ang kahalagahan at kabuluhan ng pag-aaral na gagawin
  • Layunin ang parte ng konseptong papel na tinutukoy ang pakay o gustong matamo sa pananaliksik ng napiling paksa. Sinasabi rin dito kung sino-sino ang sa palagay ng mga mananaliksik na mabibigyan ng tulong ng isinagawang pag-aaral. Maaaring itala ang mga ito sa paglalagay ng numero o titik
  • Ang Metadolohiya ay kung saan tinutukoy ang pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa sa pananaliksik. maraming paraan sa pagkuha ng datos gaya ng sarbey, paggamit ng talatanungan o kwestyuneyr, case study, obserbasyon, analisis ng dokumento at iba pa.Metadolohiya
  • Mga paraan sa pagkuha ng datos:
    1.
    2.
    3.
    4.
    5.
    1. Sarbey
    2. Paggamit ng talatanungan o kwestyuneyr
    3. Case study
    4. Obserbasyon
    5. Analisis ng dokumento
  • Mga paraan sa pagsusuri ng datos:
    1.
    2.
    3.
    4.
    1. Empirikal
    2. Komparatibo
    3. Semiotika(pagsusuri sa kahulugan)
    4. Hermenyutika(interpretasyon)
  • Sa __________________________________ ipinahahayag ang kongkretong inaasahang bunga ng pananaliksik. Maikling paglalahad ito ng nabuong kongklusyon batay sa mga natagpuan ng isinagawang pag-aaral. Maaari ding ilahad sa bahaging ito ang mga rekomendasyong itinatagubilin upang malutas ang mga natagpuan sa pananaliksik
    Inaasahang awtput o resulta