2.6

Cards (28)

  • Tumutukoy ito sa paghihimay-himay sa nilalaman, konteksto, at kabuluhan ng tekstong sinusuri.
    Documentary o Text Analysis
  • Halimbawa nito ay maaaring lapatan ng NITO ang mga tulang naisulat noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas, o kaya ang mga awiting pampag-ibig na namamayagpag noong dekada 90 hanggang sa kasalukuyan (San
    Juan, et al., 2019).
    Documentary o Text Analysis
  • Ang pangangalap ng datos sa ganitong uri ng pag-aaral ay direktang kinakalap sa tao. Subalit, hindi katulad ng sarbey, ang mga datos sa ganitong uri ng pag-aaral ay makukuha lamang sa ilalim ng kontrol ng isang sitwasyon na maaaring ang mananaliksik ay mayroong partisipasyon
    Eksperimentasyon o Pananaliksik na Eksperimental
  • Kung ang ______ ay maayos na naisakatuparan, ang mananaliksik ay makakukuha ng maayos na datos batay sa pamantayan sa pagdodokumento kung nakita ba ang ugnayan ng mga baryabol.
    eksperimento
  • Pananaliksik na nakatuon sa mga sanhi at bunga ng isang pangyayari, penomenon, programa/proyekto, patakaran, at iba pa (San Juan, et al., 2019).
    Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
  • Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay "Deskriptibong Pag-aaral sa Sanhi at Epekto ng Stress sa mga Mag-aaral sa Ikaapat na Antas ng HRM sa Pamantasang Dela Salle-Dasmarinas" ni ________ et al. (_____).
    Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at Giselle Vergara at 2013
  • Maaari namang imungkahi ang paksang "Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Piling Komunidad sa CAMANAVA Batay sa mga Interbyu sa mga Mamamayan" para sa metodong ito.
    Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
  • Ayon kina San Juan (2019), nakatuon ang ganitong pag-aaral sa pagtukoy sa pinagmulan/kasaysayan/mga makabuluhang pangyayari kaugnay ng isang penomenon, programa/proyekto, patakaran, at iba pa.
    Historikal na pananaliksik
  • Isang uri din nito ang kasaysayang pasalita o oral history na nakapokus naman sa makasaysayang pangyayari at iba pa.
    Historikal na pananaliksik
  • Kinasasangkutan ito ng pakikipagsapalaran at pagsusuri ng kasaysayan ng ilang mga penomena.
    Historikal na pananaliksik
  • Madalas na ginagamit sa ganitong uri ng pag-aaral ang mga pangunahing datos bagama't tinatanggap din sa ilang pagkakataon ang sekondaryang datos.
    Historikal na pananaliksik
  • Nakapokus ang ganitong pananaliksik sa pagtalakay sa mga obserbasyon, natutuhan, praktikal na aral, at iba pa na nakuha o nakalap ng mananaliksik habang nagsasalin ng isang akda.
    Translation Process Study
  • "Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat at Pagpapahalaga❞ ni _____ sa Malay ang halimbawa nito
    Translation Process Study AT Raquel Sison-Buban
  • "Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay: Mga
    Tala sa Pagsasalin sa Filipino Mula Ingles ng Ilang Piling
    | Tula ni Pablo Neruda” ni ___ ang halimbawa nito
    Translation Process Study AT David Michael M.
  • Ito ay proseso ng pagtukoy at paglalarawan sa lahat ng mga yamang pangkultura na nasa isang tiyak na lugar o rehiyong heograpiko, sa paraang pasulat o biswal na imbentaryo, ayon kina _______ (2008).
    Cultural Mapping at Moore at Borrup
  • Sa konteksto ng mga pananaliksik sa Pilipinas, ang ____________ ay sumasaklaw na rin sa pagtalakay sa koneksyon ng aspektong kultural, politikal, historikal, at eonomiko sa isang partikular na espasyo, lugar o rehiyon (San Juan, et al., 2019).
    pagmamapa o Cultural Mapping
  • Ang _____ ng kultura ay isang 'aksyon sa paglalakbay' na partikular na isinagawa upang umalam, mag-imbestiga o bawiin ang lakas, pangkorporasyon man o personal
    Cultural Mapping
  • Kapag nalaman mo na ang mga lakas na ito maaari mo nang magamit ang mga ito upang lumikha ng iba't ibang mga kinalabasan, tulad ng ipinakita ng mga kuwento sa Mga Pag-aaral sa Kaso.
    Cultural Mapping
  • Ang _______ ay kinikilala ng UNESCO bilang isang mahalagang kagamitan at pamamaraan sa pagpepreserba ng hindi nasasalat at nasasalat na mga ari-arian ng mundo.
    Cultural Mapping o pagmamapa sa kultura
  • Saklaw nito ang isang malawak na hanay ng mga pamamaraan at aktibidad mula sa nakabase sa pamayanang pagkolekta ng datos at pamamahala sa sopistikadong ___ gamit ang GIS (Geographic Information Systems).
    Cultural Mapping o pagmamapa sa kultura
  • Tumutukoy ito sa pananaliksik na nag-iimbentaryo o nagsusuri sa trend ng mga pananaliksik sa isang larangan, bilang gabay sa mga susunod pang mananaliksik (San Juan, et al., 2019).
    Trend Studies
  • Ang mga naging halimbawa ng mga ganitong pananaliksik ay "Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino" ni Mary Jane B. Rodriguez-Tatel sa Humanities Diliman (2015) at Direksyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya" ni Francisco B. Bautisat Jr. sa Daluyan (2015).
    Trend Studies
  • Maaari namang imungkahi ang paksang "Imbentaryo ng mga Tesis at Disertasyon sa Filipino sa Antas Gradwado sa Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Dela Salle University (2008-2018): Gabay sa Pagbuo ng Adyenda ng Pananaliksik sa mga Susunod na Dekada" para sa metodong ito.
    Trend Studies
  • Ayon kina San Juan (2019), isa itong porma ng pananaliksik na historikal na nakatuon sa pagsusuri ng mga dokumento sa arkibo (archives) gaya ng mga lumang manuskrito, dyaryo, at iba pa.
    pananaliksik na arkibo
  • Isa rin itong uri ng pananaliksik na kung saan ang mga nasaliksik ay itinatago at maaring gamitin pa ng mga susunod na mananaliksik
    pananaliksik na arkibo
  • ay isang pagsisiyasat ng hard data mula sa mga file na mayroon ang mga organisasyon o kumpanya.
    pananaliksik na arkibo
  • Halimbawa nito ang Journalismong Tagalog sa Renacimiento Filipino (1910-1913): Pagbibinhi ng Makabayang Sanaysay sa Panitikan ng Pilipinas" ni ____ sa Plaridel (2013).
    pananaliksik na arkibo AT Nicanor Tiongson
  • Ang paksang "Panimulang Pagsipat sa mga Bahaging Tagalog ng mga Edisyon ng La Redencion del Obrero ni Isabelo De Los Reyes Batay sa Pambansang Arkibong Digital ng Espanya" para sa metodong ito.
    pananaliksik na arkibo