Universal Declaration of Human Rights (UDHR) - ay isa sa mga mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural. (UDHR, Department of Education. 2017. "Kontemporaryong Isyu", Modyul ng mga Mag-aaral. Pahina 374) Tunay na nagbibigay-tangi sa tao bilang nilalang na nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghahatid sa kanya upang makamit ang kanyang mga mithiin sa buhay at magkaroon ng mabuting pamumuhay.