fl

Cards (47)

  • Pangunahing Tagpuan

    Ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin
  • Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan
  • Si Maria Asuncion Rivera o MAR ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig
  • Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan
  • Kaligirang Pangkasaysayan
    • Tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo - Florante
    • Anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante - Laura
    • Anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante - Aladdin/Aladin
    • Kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab - Flerida
    • Hari ng Albanya, ama ni Laura - Haring Linseo
  • Mga Tauhan
    • Sultan ng Persya, ama ni Aladin - Sultan Ali-adab
    • Ina ni Florante, prinsesa ng Krotona - Prinsesa Floresca
    • Ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo - Duke Briseo
    • Kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante - Adolfo
    • Ama ni Adolfo - Konde Sileno
    • Pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre - Menalipo
    • Matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo - Antenor
    • Guro ni Florante sa Atenas - Menandro
    • Moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpatay kay Laura - Emir
    • Heneral ng Persya na lumaban sa Crotona - Heneral Osmalik
    • Heneral ng Turk - Heneral Miramolin
    • Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida - Heneral Abu Bakr
  • Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan
  • Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo
  • Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura
  • Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante
  • Dalawang mga gutom na leon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata
  • Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito
  • Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin
  • Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay
  • Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor
  • Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante
  • Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo
  • Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante
  • Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca
  • Sumama si Menandro kay Florante
  • Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Crotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persyano
  • Naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya
  • Nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persya na si Osmalik
  • Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik
  • Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano
  • Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo,Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir
  • Itinalagang "Tagapagtanggol ng Albanya" si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo
  • Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turk
  • Laura
    Anak na babae ni Haring Linseo, hari ng Albanya
  • Pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Crotona
    1. Nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persya na si Osmalik
    2. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik
    3. Namalagi sa Crotona si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura
  • Nang magbalik na nga si Florante sa Albanya
    Nagulat siya nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian
  • Pagligtas ni Florante kay Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura
    1. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura
    2. Itinalagang "Tagapagtanggol ng Albanya" si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan
  • Pagtatanggol at pangangalaga ni Florante sa kaharian ng Albanya
    1. Pinamunuan ng Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya
    2. Naganap ang labanan sa Etolya
    3. Pinabalik si Florante sa Albanya
  • Pagbalik ni Florante sa Albanya

    1. Tinugis siya ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa pag-uutos ni Adolfo
    2. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw
  • Nalaman ni Florante sa piitan ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo
  • Pagkatapos ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan
    Binanggit ni Aladin na isa palang Persyano ang katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran
  • Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, at iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway
  • Paghingi ni Flerida sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin

    1. Sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian
    2. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan
  • Pagkarinig ng mga tinig
    1. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal
    2. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon
  • Nakarinig ang babae ng mga iyak ng paghingi ng tulong