IGO

Cards (11)

  • Ang United Nations a UN na itinatag noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigid ay isang halimbawa ng intergovemmental organization (IGO) na nabuo sa pamamagitan ng kasunduan ng dalawa o higit pang mga bansa.
  • World Bank (WB) - nagpapautang sa mga bansang nangangailangan ng tulong upang mabawasan ang kahirapan at maisulong ang patuloy na paglago.
  • World Meteorological Organization (WMO) - nagtataguyod ng mga pananaliksik sa atmospera ng daigdig at pagbabaga sa klima at mga pasilidad ng pandaigdigang palitan ng datos sa meteorolohiya.
  • World Tourism Organization (UNWTO) - nagsisilbing pandaigdigang forum para sa mga isyu sa polisiya ng turismo
  • International Maritime Organization (IMO) - Tumutulong upang mapaunlad ang mga paraan sa pandaragat at masigurong ligtas ito at walang maidudulot na polusyon sa karagatan
  • International  Telecommunication Union (ITU) - Nagpapalakas ng internasyonal na kooperasyon upang mapabuti ang lahat ng anyo ng telekomunikasyon
  • UN Education Scientific and Cultural Organization (UNESCO) - Itinataguyod ang edukasyon para sa lahat, pag-unlad ng kultura, proteksiyon ng mga likas at kultural na pamana, internasyonal na kooperasyon sa agham, at kalayaan sa pamamahayag at komunikasyon
  • Universal Postal Union (UPO)  - Nagtatatag ng mga internasyonal na regulasyon para sa mga serbisyo ng koreo
  • UN Industrial Development Organization (UNIDO) - Nagtataguyod ng pang-industriyong pagsulong ng mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng tulong teknikal
  • World Health Organization (WHO) - Nag-uugnay sa mga programang naglalayong lutasin ang mga problema sa kalusugan
  • World Intellectual Property Organization (WIPO) - Nagtataguyod ng proteksiyon sa mga intelektuwal na ari-arian at naghihikayat sa pakikipagtulungan sa pagkakaroon ng karapatang-ari (copyright), tatak-kalakal (trademark), disenyo ng industriyo, at patente