ganda kouh

Cards (53)

  • Pag-unlad
    Patuloy na pagtaas ng antas ng per capita income o pagtatamo ng pagtaas ng kita ng bansa o malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan
  • Mga salik na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa
    • Likas na yaman
    • Yamang-tao
    • Kapital
    • Teknolohiya at serbisyo
  • Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya
  • Isa ring mahalagang salik na tinitignan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa
  • Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo
  • Nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo
  • Tradisyunal na pananaw sa pag-unlad

    Tumutukoy sa kita ng bawat tao o GNP at GDP
  • Modernong pananaw sa pag-unlad

    Tumutukoy sa mga salik na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa
  • Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso
  • Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat tulad halimbawa ng daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan at marami pang iba
  • Mga pagkilos para sa pambansang kaunlaran
    • Pagiging maabilidad
    • Pagiging makabansa
    • Pagiging maalam
  • Pagiging maabilidad
    • Paglikha ng yaman ng bansa
    • Pagnenegosyo - hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino, dapat maging negosyante
  • Pagiging makabansa
    • Pagbuo o pagsali sa kooperatiba
    • Pagtutupad at pakikilahok sa proyektong pangkaunlaran
  • Pagiging maalam
    • Pag-aaral ng mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto
    • Pagsuri sa mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa
  • Human Development Index
    Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang kaunlarang pantao
  • Ang sektor ng agrikultura ay primaryang sektor ng ekonomiya
  • Ang sektor ng agrikultura ay may kinalaman sa produksyon ng pagkain at hilaw na sangkap, na tumutugon sa pangangailangan ng tao
  • Mga subsektor ng agrikultura
    • Pagsasaka
    • Pangingisda
    • Paghahayupan
    • Paggugubat
  • Pagsasaka
    Pagtatanim ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka
  • Pangingisda
    • Komersiyal na pangingisda
    • Munisipal na pangingisda
    • Aquaculture
  • Paghahayupan
    Pag-aalaga at pagbenta ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa
  • Paggugubat
    Pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer
  • Suliranin ng sektor ng agrikultura
    • Mababang presyo ng produktong agrikultural
    • Kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan
    • Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya
    • Paglaganap ng sakit at peste
  • Ang dahilan ng mababang presyo ng produktong agrikultural ay ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto
  • Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-unlad ng agrikultura ay ang kakulangan sa imprastraktura at puhunan
  • Maraming produktong agrikultura ang hindi napakikinabangan dahil sa kawalan ng pag-iimbakan at maayos na transportasyon
  • Kahalagahan ng sektor ng agrikultura
    • Pinagmumulan ng mga hilaw na materyal
    • Pangunahing pinagmumulan ng pagkain ng mga mamamayan
    • Nagkakaloob ng hanapbuhay
    • Pinanggagalingan ng dolyar
  • Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka, tulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na produksyon
  • Dahil sa kakulangan sa edukasyon, napakahirap ituro sa mga magsasaka ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at makinarya
  • Mga batas at patakaran para sa sektor ng agrikultura

    • Land Reform Act of 1902 o Sistemang Torrens
    • Republic Act 1400 o Land Reform Act Of 1955
    • Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law
    • Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code
    • Code of Agrarian Reform o Presidential Decree 27
    • Philippine Development Plan 2011-2016
  • Binuo ni Ferdinand Marcos ang Department of Agrarian Reform sa pamamagitan ng Presidential Decree 27
  • Ang Philippine Development Plan 2011-2016 ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino
  • Philippine Development Plan 2011-2016
    1. Naglalaman ng balangkas ng estratehiya ng pamahalaan para sa paglago ng iba't ibang bahagi ng ekonomiya
    2. Nakapaloob ang ilang pangunahing tunguhin para sa sektor ng agrikultura
  • Pangunahing tunguhin ng sektor ng agrikultura sa PDP 2011-2016
    • Pinagbuting seguridad sa pagkain at pinataas na kita ng manggagawang nasa sektor
    • Pinaigting na kakayahang malabanan ang masasamang epekto ng mga sakuna
    • Pinahusay na pamamalakad sa mga programa at pamumuno sa mga tanggapan ng pamahalaan
  • Sektor ng industriya
    Pangunahing layunin ay lumikha ng mga bagong produkto na mapapakinabangan ng mga tao mula sa hilaw na materyales mula sa sektor ng agrikultura
  • Mga gawain sa sektor ng industriya
    • Konstruksyon
    • Utilities
    • Pagmimina
    • Pagmamanupaktura
  • Mga palatandaan ng industriyalisadong bansa
    • Matatag ang negosyo
    • Maunlad ang imprastraktura
    • May episyenteng serbisyong pampubliko
    • Makabago ang teknolohiya
  • Mga suliranin ng sektor ng industriya
    • Mga white-elephant projects ng pamahalaan
    • Malayang pagpasok ng murang produkto mula sa ibang bansa dahil sa import liberalization
    • Kakulangan sa hilaw na materyales
    • Kawalan ng malaking kapital upang tustusan ang pangangailangan sa produksyon
  • Maraming Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa mga suliranin sa sektor ng industriya
  • Sektor ng paglilingkod
    Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob at sa labas ng bansa