AP PERIO

Cards (147)

  • Edukasyon
    Ang proseso ng pagtanggap o pagbahagi ng sistematikong edukasyon
  • Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)

    • Ahensiya ng ehekutibong sangay ng pamahalaan na nangangalaga at namamahala sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas
  • DepEd Vision

    We dream of Filipinos who passionately love their country and whose values and competencies enable them to realize their full potential and contribute meaningfully to building the nation. As a learner-centered public institution, the Department of Education continuously improves itself to better serve its stakeholders.
  • DepEd Mission

    To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture-based, and complete basic education where: 1) Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, and motivating environment; 2) Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner; 3) Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and supportive environment for effective learning to happen; and 4) Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share responsibility for developing lifelong learners.
  • Mga Kawanihan ng DepEd
    • Bureau of Elementary Education
    • Bureau of Secondary Education
    • Bureau of Alternative Learning Systems
    • National Educational Testing Center
    • Health and Nutrition Center
    • Educational Development Projects
    • National Educators Academy of the Philippines
    • Technical-Vocational Education Task Force
  • Mga Ahensiya na Nakatalaga sa DepEd

    • Early Childhood Care and Development Council
    • National Book Development Board
    • National Council for Children's Television
    • National Museum
    • Philippine High School for the Arts
  • Philippine Education for All (EFA) 2015 Plan
    Programa na inilunsad upang mapabuti ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Kinikilala nito ang karapatan ng bawat bata at matanda na magkaroon ng sapat na edukasyon upang matugunan ang kanilang Basic Learning Needs (BLNs). Ang sentral na layunin ng EFA 2015 ay matulungan ang lahat ng mga Pilipinong maging functionally literate at magkaroon ng mga kakayahan at kasanayan upang: 1) Mamuhay at maghanapbuhay; 2) Linangin ang kanilang mga potensyal; 3) Bumuo ng kritikal at maalam na pagpapasya; at 4) Makibahagi nang epektibo sa lipunan sa loob ng konteksto ng kaniyang kapaligiran at nang mas malawak na pamayanan (local, regional, national, at global) upang mapabuti ang kalidad ng kaniyang buhay at ng lipunan.
  • K to 12 Curriculum
    Kasalukuyang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas na ipinatupad at pinamahalaan ng DepEd noong 2012. Naging 13 taon ang basic education bago pumasok sa kolehiyo ang mag-aaral. Ito ay naglalayong magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral bago pumasok sa kolehiyo.
  • Bilang ng taon sa K to 12 Curriculum

    • 1 taon sa kindergarten
    • 6 taon sa elementarya
    • 4 taon sa high school
    • 2 taon sa senior high school
  • Mga Suliranin ng Edukasyon sa Bansa

    • Mababang Kalidad ng Edukasyon sa Pilipinas
    • Kakulangan ng mga Tamang Bilang at Kalipikado o Mahuhusay na Guro
    • Mababang Sahod ng mga Guro
    • Mababang Kakayahan na Mabayaran o 'Affordability'
    • Maliit na Budget ng Pamahalaan para sa Edukasyon
    • Kakulangan ng Pagkakataon upang Makapag-aral
  • Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay inatasan ang pamahalaan na maglaan ng pinakamataas na bahagi ng badyet nito sa edukasyon.
  • Ang Pilipinas pa rin ang isa sa may pinakamababang pondo o badyet sa edukasyon sa ASEAN at ibang bansa sa mundo.
  • Mga Dahilan ng Paghinto ng Pag-aaral o Dropout ng mga Mag-aaral

    • Dahil walang pangtustos sa gastusin ang mga magulang
    • Malayo ang paaralan sa lugar
    • Walang guro at paaralan
  • Nangangailangan pa rin ng 96 milyong textbook ang mga pampublikong paaralan ayon sa DepEd
  • Tinatayang 2.2 milyon ang kulang na upuan at may mga paaralang walang kompyuter
  • Higit 62% ng mga paaralan ay hindi matugunan ang pangangailangan sa palikuran
  • Sa mga pampublikong paaralan, may mga gurong may hawak na 50 hanggang 70 na mag-aaral
  • Nakamit ng DepEd sa mga nakaraang taon ang teacher-to-student ratio na 1:31 sa elementarya, 1:36 sa junior high school, at 1:31 sa senior high school noong 2017-2018
  • Marami pa rin sa mga urbanisadong siyudad ang nagpapatuloy na mayroong malaki ang bilang ng mag-aaral kada klase
  • Dahilan ng paghinto ng maraming mag-aaral sa pagpasok

    • Walang pangtustos sa gastusin ang mga magulang
    • Malayo ang paaralan sa lugar
    • Walang guro at paaralan
  • 10-Point Basic Education Agenda

    Isang adyenda na inilatag ng pamahalaan sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III na naglalayon na patatagin at palawakin ang access at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas
  • 10-Point Basic Education Agenda

    1. Pagpapatupad ng K-12 Basic Education Program
    2. Pagpapatupad ng universal kindergarten
    3. Pagtuturo sa mga mother tongue language
    4. Pagtatatag ng edukasyong Madaris (Madrasah) bilang bahagi ng kasalukuyang sistemang pang-edukasyon
    5. Matiyak na marunong nang magbasa ang mga bata pagtuntong ng Unang Baitang
    6. Mapaunlad ang agham at matematika
    7. Mapalawak ang pagtulong ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan
    8. Mas mahuhusay na batayang aklat
    9. Makapagpatayo ng mga paaralan sa pakikipatulungan ng mga lokal na pamahalaan
    10. Muling pagpapakilala ng edukasyong teknikal at bokasyonal sa mga pampublikong mataas na paaralan
  • Voucher Program

    Magbibigay ang pamahalaan ng tulong pinanasyal sa mga mag-aaral na nakatapos ng baitang 10 mula sa pampubliko at pribadong junior high school upang makapag-aral ng senior high school sa isang pribadong high school, pribadong university/college o state o local university/college, o sa technical-vocational school simula school year 2016-2017
  • Special Program for the Employment of Students (SPES)

    Programang naglalayong mabigyan ng trabaho ang mga mag-aaral habang panahon ng bakasyon upang maturuan ang mga mag-aaral na maging produktibo
  • Abot-Alam Program

    Layunin ng programang ito na maabot ang mga out-of-school youth at mabigyan ng pagkakataong makapag-aral at matulungan ang mga kabataan na maging produktibo at makapagtrabaho
  • Alternative Learning System (ALS) Program
    Programa ng DepEd na naglalayong matulungan ang mga out-of-school youth, katutubo, may-kapansanan, dating bilanggo, at dating rebelde laban sa gobyerno, at iba pang taong hindi nakapag-aral o nakapagtapos at nais magpatuloy sa pag-aaral
  • Livelihood Program

    Layunin ng programang ito na magbigay ng kasanayan sa gawaing pangkabuhayan ang mga taong may-kapansanan, out-of-school-youth at urban poor
  • Livelihood Program

    • Pananahi, paggawa ng banana at potato chips, cake, tinapay, at paggawa ng mga muwebles at metal works
  • Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE)

    Programa na kung saan nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mag-aaral at guro ng mga pribadong paaralan
  • Educational Service Contracting (ESC) scheme

    Nakaangkla dito upang matulungan ang mga pampribadong mga mag-aaral na mabawasan ang tuition na kanilang babayaran
  • Teachers' Salary Subsidy (TSS) fund

    Nakaangkla dito para mabigyan ng dagdag na benepisyong pinansyal ang mga guro, bukod pa sa kanilang mga natatanggap
  • Universal Kindergarten Act of 2012

    Opisyal nang isinasama ang preschool education (Nursery at Kindergarten) bilang parte ng basic education ng Pilipinas
  • Sinisikap ng pamahalaan na patuloy na magpatayo ng mga gusali at silid-aralan sa mga pampublikong paaralan upang malutas ang kakulangan sa mga pasilidad dala ng lumalaking populasyon ng mga mag-aaral
  • Hinahangad din ng pamahalaan na tumanggap ng mga bagong guro na nag-a-apply sa DepEd upang mas mainam na matutukan ang dumaraming mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan
  • Iminumungkahi ng pamahalaan na patuloy na pataasin ang sahod ng mga guro, lalo na sa mga pampublikong paaralan, bilang paraan upang masiguro ang kanilang kapakanan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan
  • Civics o Sibika

    Nangangahulugan sa kung paano maging isang mamamayan ng isang estado
  • Civic Participation o Pakikilahok na Pansibiko

    Tumutukoy sa mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko
  • Demokrasya
    Sistema ng pamamahala kung saan ang kapangyarihan ay nakasalalay sa mga mamamayan na naghahalal ng mga opisyal ng pamahalaan
  • Mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain pansibiko sa demokratikong bansa
  • Mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan
    • Makabayan
    • Makatao
    • Produktibo
    • Matatag, May Lakas ng Loob at Tiwala sa Sarili
    • Matulungin sa Kapwa
    • Makasandaigdigan