KAKAYAHANGDISKORSAL:TungosaPaglikhangMakabuluhangPahayag

Cards (51)

  • Diskurso
    Pag-uusap at palitan ng kuro
  • Kakayahang diskorsal

    Kakayahang umunawa, makapagpahayag at makipagpalitan ng pananawo palagay sa isang tiyak na wika
  • Uri ng kakayahang diskorsal

    • Kakayahang tekstuwal
    • Kakayahang retorikal
  • Kakayahang tekstuwal

    Kahusayan sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon
  • Kakayahang retorikal

    Kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon, kasama ang kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon
  • Panuntunan sa pakikipagtalastasan

    • Pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag
    • Pakikiisa, nakinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon
  • Kaugnayan
    Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat
  • Kaisahan
    Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan
  • Tumutukoy ang internasyonalisasyon sa pagpapataas ng halaga sa mga pandaigdigang kalakaran kabilang na ang ekonomikong palitan, ugnayan, tradato, lyansa, at iba pa na ang batayang yunit ay nakabatay sa mga bansa ngunit ang ugnayan ng mga bansa ay higit na mahalaga at kinakailangan
  • Ang sarili nating pambansang kakayahan at diskursong pambansa ay naisasantabi at nababansot bunga ng "pakikiangkas" at "panggagaya upang makatugon sa ipinapataw na mga pamantayang global kahit maisantabi ang sariling karanasan at mga pangangailangan ang pambansang adyenda
  • Kailangan ding maging kritikal sa mga gagamiting dayuhang teorista na hindi angkop sa karanasang bayan
  • Kailangang isulong ang pambansang adyendang pampananaliksik na nakabatay sa mga paksa, pamamaraan, at pananaw na nagtataguyod ng ating pambansang interes at lumulutas sa ating mga sariling isyu at suliranin bilang bahagi ng komunidad, bansa, at daigdig
  • Nagreresulta ang kawalang-ingat ng mga mananaliksik at manunulat sa kanilang mga paksang sinasaliksik na nagreresulta ng katiwalian sa paglikha ng kahulugan at pagsasawalang-bahala sa kapakanan ng pinag-aaralang paksa
  • Upang malutas ang ganitong katiwalian, mahalaga ang aktuwal na pagdanas sa loob ng pinag-aaralang paksa upang makabuo ng matibay na pagsusuring nakabatay konteksto at hindi bukod sa pinag-aaralan
  • Hamon sa pagsasaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang magpasya ng layunin at metodo alinsunod sa angkop na kalagayan, karanasan, gawi, at diwang Pilipino
  • Pangunahing saligan ng modelong maka-Pilipinong pananaliksik ang paggamit ng sariling wika at pamamaraang nakabatay sa sariling karanasan na angkop sa ating konteksto
  • Kinakailangang maipakita ang resulta na hindi nakatali lamang sa mga aklat kundi sa mismong aktuwal na praktika sa lipunan, kabilang ang pang-araw-araw na gawain, pag-uugali, at pananaw ng isang karaniwang Pilipino sa tiyak na lipunan
  • Upang maisagawa ito, kinakailangan ang isang metodo na makapagpapakilala sa mananaliksik at kalahok ng pananaliksik upang kapuwa nila matamo ang maka-Pilipinong pagpapahalaga at tunguhin gamit ang eskala ng pagmamasid, pakikiramdam, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw o pagmamatiyag, pagsusubaybay, pakikialam, pakikilahok, at pakikisangkot
  • Binubuksan ng maka-Pilipinong pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga pananaw at lapit-pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may katangiang interdisiplinaryo, kros-disiplinaryo, at multidisiplinaryo
  • Ang pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ay nakatutulong sa pagbubuo ng isang tunay at makabuluhang maka-Pilipinong pananaliksik
  • Integrasyon ng mga Disiplina sa Pananaw ng Wika at Kulturang Pilipino
    • Nagbubukas ng iba't ibang pananaw at lapit-pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may katangiang interdisiplinaryo, kros-disiplinaryo, at multidisiplinaryo
    • Nagpapalitaw sa mabisang talaban at diskurso ng iba't ibang larang upang makabuo ng isang matatag na araling Filipino na nakasalig sa lakas ng wika at kultura
  • Interdisiplinaryong pananaw
    Nilalayon nitong maigpawan ang pagkakaiba tungong pagkakahawig at pag-uugnay upang pagbigkisin ang dalawang disiplina sa pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at pamamaraan
  • Kros-disiplinaryong pananaw
    Nilalayon nitong sipatin ang isang disiplina sa pananaw ng iba pang disiplina
  • Multidisiplinaryong pananaw

    Nilalayon nitong pagtagpuin ang iba't ibang disiplina upang mapalakas ang sariling disiplina
  • Ang pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ay makatutulong sa pagluwal ng iba pang kaalaman at kabuluhan na lampas sa saklaw ng larangang ito
  • Ang isang pag-aaral ay maaaring magtaglay ng mga nabanggit na mga pananaw ng pananaliksik batay sa layunin at pokus ng isinagawang saliksik
  • Nakahahawang sakit ang Ebola virus
  • Maaaring mahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng may sintomas nito
  • Ang mga sintomas ng Ebola, gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo ng ilong, ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito kalahating buwan matapos makasalamuha ang maysakit
  • Talamak ang Ebola sa kontinente ng Aprika
  • Wala pang lunas sa Ebola bagama't makatutulong na panatilihing malinis ang katawan
  • Kung nakararamdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa apektadong bansa, agad na makipag-ugnayan sa mga airport quarantine officer
  • Mahalagang maibigay ang health information checklist ng mga pasaherong bumiyahe sa loob ng Pilipinas
  • Nararapat na kaagad na maibukod sa ibang tao ang sinumang kakikitaan ng sintomas ng Ebola
  • Susi sa paggaling sa Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit
  • Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) upang maiwasan ang Ebola
  • Paggamit ng wikang katutubo sa paglikha ng talatanungan na pasasagutan sa isang etnikong komunidad
  • Pagsunod sa mga anggulo ng pananaliksik na ipinapataw ng nagpopondong ahensiya ng isinasagawang pag-aaral
  • Pakikipamuhay sa paksang pinag-aaralan para sa layunin ng adbenturismo at eksotikong karanasan
  • Pagsusuri sa mga natuklasan batay sa sariling palagay at obserbasyong nagmumula sa pagkilos at pag-iisip ng mga kalahok sa pag-aaral