L2: Pagsulat ng Tentatibong Balangkas

Cards (24)

  • Pagbabalangkas
    Ito ay sistema ng isang maayos sa paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkasunud-sunod bago ganapin ang paunlad napagsulat.
  • Pagbabalangkas
    Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang pananaliksik.
  • Pagbabalangkas
    Nakatutulong ito sa paglilimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat tandaan.
  • Tentatibong Pagbabalangkas
    Karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa.
  • Tentatibong Pagbabalangkas
    Ito rin ang pinakapundasyon ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.
  • Ang tentatibong balangkas ay marapat na magkaroon ng mga sumusunod na bahagi:
    1. Rasyunal
    2. Pangkalahatang Layunin
    3. Mga tiyak na Layunin
    4. Mga Suliranin sa Pag-aaral
    5. Mga Haypotesis
    6. Saklaw at Delimitasyon
    7. Kahalagahan ng Pag-aaral
    8. Katuturan ng mga Terminong Ginamit
    9. Tentatibong Talasanggunian
  • Rasyunal
    Ito ay siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa. Binibigyang linaw nito ang tanong na: Ano ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik?
  • Pangkalahatang Layunin
    Ito ay ang malawak na pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik. Nagbibigay kasagutan ito sa tanong na: Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?
  • Mga Tiyak na Layunin
    Dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba-ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik. Maaaring may tatlo o higit pang layunin sa isang pananaliksik. Sinasagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga gustong matuklasan ng pananaliksik na ito?
  • Mga Suliranin sa Pag-aaral

    Nilalaman ng bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayang paksa na siyang nagbibigay-saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik. Sinasagot nito ang tanong na: Ano-ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng pannanaliksik na ito?
  • Mga Haypotesis
    Ito ang pinakalohikal o pinakamakatwirang mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ano ang makatwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa?
  • Uri ng Haypotesis
    1. Haypotesis na Deklaratibo
    2. Haypotesis na Prediktibo
    3. Haypotesis na Patanong
    4. Haypotesis na Null
  • Ang mahusay na haypotesis ay dapat na makatwiran.
  • Ang mahusay na haypotesis ay dapat naipapahayag ang relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol.
  • Ang mahusay na haypotesis ay pwedeng subukin at suriin.
  • Ang mahusay na haypotesis ay dapat na batay sa datihang mga resulta.
  • Saklaw at Delimitasyon
    Tinitiyak ng bahaging ito ng pananaliksik ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pangunahing pokus ng paksa.
  • Saklaw at Delimitasyon
    Malinaw na inilalahad dito kung sino-sino at ano-ano ang kabahagi ng pananaliksik, mula at hanggang kailan ito gagawin maging ang lugar kung saan ito isasagawa at kun ano-ano pa ang mga bagay na tatalakayin at hindi na tatalakayin ng pananaliksik.
  • Saklaw at Delimitasyon
    Sinasagot nito ang mga tanong na: mula saan, hanggang kalian at sino-sino ang kabahagi ang pananaliksik na ito?
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Mga tiyak na kahalagahanng pananaliksik sa iba’t ibang mambabasa ng pag- aaral. Maaaring ito ay mahalaga sa: mag-aaral, magulang, guro, paaralan, kababaihan, kapwa mananaliksik, iba pang sektor ng lipunan - pribado o pampubliko.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Sinasagot nito ang tanong na: ano ang saysay ng pananaliksik nito sa kasalukuyan at hinaharap?
  • Katuturan ng mga Terminong Ginamit
    Kalipunan ng mga terminong ginamit sa pananaliksik. Binibigyang-kahulugan ang termino batay sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik. Nakaayos paalpabeto ang mga termino.
  • Tentatibong Talasanggunian
    Pansamantalang listahan ng mga sangguniang ginamit sa inisyal na pag-aaral ng paksa ng pananaliksik. 
  • Ang mga ginagamit sa talasanggunian ay maaaring mga mateyal na teksbuk, diksyunaryo, ensayklopedia, pananaliksik at tesis, pahayagan, magasin, journal at mga artikulo at iba pang sulatin na nagmula sa internet.