Ito ay uri ng tekstong naglalarawan. Inilalarawan nito ang detalyadong imaheng pupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa. Mayaman ito sa pang-uri o pang-abay upang mas maging masining ang paglalarawan.
3 Uri ng Tekstong Deskriptibo
Deskripsyong Teknikal
Deskrispyong Karaniwan
Deskripsyong Impresyonistiko
Deskripsyong Teknikal
Tekstong naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian.
Deskripsyong Karaniwan
Tekstong nagbibigay ng pangkalahatang paglalarawan (general description) kung saan maaaring maraming tao o bagay ang nagtataglay rin ng parehong katangian.
Deskripsyong Impresyonistiko
Ito ay paglalarawang ginagamitan ng pansarili o subhetibong pananaw, opinyon, o saloobin ng isang tao tungkol sa isang bagay o paksa. Hindi ito lubhang totoo.
Tekstong Naratibo
Isang uri ng sulating pasalaysay o pagkukuwento tungkol sa isang kaganapan ng tao, bagay, o pangyayaring may maayos na pagkakasunod-sunod o daloy ng kuwento.