Tandang Selo: 'Hinahon, hinahon, hinahon. Isipin mo na lang na nagdatingan ang mga kamag-anak ng buwaya sa katihan.'
PlacidoPenitente: 'Husto na padre! Ilagay na ninyo ang lahat ng guhit na nais ninyong ilagay ngunit wala kayong karapatang ako'y alipustahin.'
Hermana Penchang: 'Mabuti na lamang at pinalayas ko agad sa aking bahay ang utusan kong babae, hindi ko nais na makipagkasira sa mga prayle kaya't minadali kong humanap siya agad ng salaping pambayad sa kanyang utang sa akin.'
Isagani: 'Gusto kong ialay ang aking buhay alang-alang sa ikararangal ng aking lupang tinubuan. Kung hindi man ako nagtagumpay sa pag-ibig ng babaeng aking pinakamamahal, nais ko namang maging makabuluhan sa pananaw ng aking mga kababayan.'
Isagani: 'Lagi pong ipinagbibilin sa akin ng aking amain na alalahanin ko ang aking kapwa katulad ng pag-aalaala ko sa aking sarili.'
Kabesang Tales: 'Wala! Walang sinumang dayuhan ang makakakuha ng aking lupang sinasaka. Lupa ko ito, binungkal, tinamnan, sinaka, inalagaan, minahal at pinagyaman.'
Kabesang Tales: 'Ibibigay ko ang aking lupa sa unang taong makapagdidilig ng dugo na nanggagaling sa sariling ugat.'
Ginoong Pasta: 'Kahabag-habag na binata! Kung nag-iisip sana ang lahat at sila'y gumagawang katulad niya, hindi ko masasabing hindi.'
Ginoong Pasta: 'Huwag kang pakasiguro sa paniniwala mo. Mapanganib ang mga hakbang na naisip ninyo. Payo kong hayaan ninyong isagawa ng pamahalaan ang mga plano nito.'
Basilio: 'Ano ang magagawa ko sa ganito kong katayuan? Wala akong salapi at wala pang pangalan, matatamo ko ba ang katwiran sa mga taong pumatay sa kanila?'
Basilio: 'Paniwalaan mo ako Isagani, matatabunan ang lahat, sumama ka na sa akin alang-alang sa Diyos.'
Basilio: 'Napakaliit lang ng tinig ko. Para akong maliit na salaming maaaring magkadurug-durog kapag itinapon sa isang nakausling bato.'
DonyaVictorina: 'Makapaglalakbay ng maayos ang bapor tabo kung wala ni isang indiyo sa daigdig.'
PadreFlorentino: 'Nasaan ang kabataang maglalaan ng kanilang magagandang sandali, mga pangarap at sigla sa ikapapanuto ng kanilang bayan?'
Quiroga: 'Patuloy ako sa paghahangad na makapagpatayo ng konsulado ng mga Intsik sa Pilipinas.'
Simoun: 'Sasabog at magkakadurog-durog ang mga mapanlupig ngayong gabi. Ngayon ding gabi ay maririnig ng Pilipinas ang putok na magwawasak sa bantayog na pinabilis ko ang pagkabulok.'
Simoun: 'Sasabog ang rebolusyon sa isang hudyat ko. Bukas na bukas din ay hindi ka na makakadaan sa mga payapang lansangan. Hindi ka na rin makakapagtapos sa Pamantasang iyong pinapasukan.'
Simoun: 'Kailangang maganap ang lahat ng kabuktutan upang magising ko ang damdamin ng sambahayan!'
Simoun: 'Si Maria Clara, ibig ko siyang mailigtas kaya ako bumalik at ninais ko pang mabuhay.'
Padre Millon: 'Nangangahulugan ba ng karunungan ang hindi pagpasok, ano ang maisasagot mo ngayon, pilosopastro?'
BenZayb: 'Saang dako ng lawa Kapitan napatay ang nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra?'
Sinong: 'Kung may gwardiya sibil sa panahon ng Santo ay hindi sila mabubuhay nang matagal dahil sa pangungulata ng mga ito.'
Kapitan Heneral: 'Dapat lang na may maiwan sa bilangguan. Mawawalan ng dangal ang pamumuno ng pamahalaan kung pakakawalan sa isang kisap-mata lamang ang lahat ng pilibusterong kabataan.'
PaulitaGomez: 'Hindi ko alam na ganyan pala kalaki ang pagmamahal mo sa lalawigan at sa bansa mo. Maswerteng lalawigan, maswerteng bansang kahati ko sa pagtatangi mo.'
Macaraig: 'Dapat kang batiin Basilio. Umiwas kang makihalubilo sa mga kaibigan mo sa Akademya sa oras ng kapayapaan. Pero ngayon ay naririto ka sa mismong oras ng kaguluhan.'