pagbasa pt. 2

Cards (39)

  • Teksto
    Anumang bagay na maaaring "basahin", isang maliwanag na hanay ng palatandaan na nagpapadala ng ilang uri ng mapagbigay-kaalamang mensahe
  • Tekstong Naratibo
    Pagsasalaysay o pagkukwento ng isang pangyayari ukol sa isang tao o tauhan, nangyari sa mga lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunud-sunod mula sa simula hanggang katapusan, isang uri ng piksyon na nanggaling lamang sa kathang-isip ng isang manunulat, makulay na pamamaraan upang maiparating ang mga ideya at mensahe sa pamamagitan ng paglalagay ng mga karakter sa iba't-ibang sitwasyon at pagkakataon, gamit ang wika o salita upang magbigay buhay sa mga kwento at magpapahayag ng damdamin o emosyong nararamdaman ng mga tauhan
  • Layunin ng Tekstong Naratibo
    • Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay aliw o saya
    • Nakapagtuturo ng kabutihang asal o magbigay ng aral sa mambabasa
  • Katangian ng Tekstong Naratibo
  • Tekstong Argumentatibo
    Ito ay isang uri ng tekstong naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o mga lohika
  • Tekstong Argumentatibo

    • Upang maipagtanggol ang mga argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang mga ebidensyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa
  • Elemento ng Tekstong Argumentatibo
    • Proposisyon
    • Argumento
  • Proposisyon
    Ito ang "thesis statement", o ang paksang ibibigay sa unahan ng may-akda upang magbigay ng punto para sa diskurso o argumento
  • Argumento
    Dito matatagpuan ang pagsang-ayon o katwiran sa naunang inilahad na proposisyon. Sa elementong ito naihahanay ang mga lohikal at mga balidadong ebidensyang nakalap
  • Limang Katangian ng Tekstong Argumentatibo
    • Napapanahon at may mabigat na kahalagahan sa lipunan
    • Maikli pero may nilalaman ang proposisyon
    • Maayos na pagkakasunud-sunod ng talata
    • Malinis na transisyon sa mga talata
    • May batayan at matibay ang mga argumento
  • Kahalagahan ng Tekstong Argumentatibo
    • Mahalagang uri ng teksto sa ating pang-araw-araw na buhay
    • Nagbibigay ng daan na maipahayag ang ating opinyon, magbigay-katwiran at makipagtalakayan sa mahahalagang isyu
    • Nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng masusing pagsusuri at pag-unawa sa mga pangunahing isyu sa lipunan
    • Ito ay isang kasangkapan ng komunikasyon na nagbibigay ng daan sa atin na magkaroon ng malalim na pang-unawa sa mga isyu at nagkakaroon ng masusing pagtalakay upang makamit ang pinakamabuting solusyon sa problemang kinakaharap ng lipunan
    • Isang mahalagang bahagi ng pag-aaral at pagsusuri sa mga aspeto ng ating buhay at kalakaran ng ating lipunan
  • Estruktura ng Tekstong Argumentatibo

    • Simula o Introduksyon
    • Katawan o Gitna
    • Pahayag ng Katwiran o Thesis Statement
    • Rebyu
    • Wakas o Kongklusyon
  • Simula o Introduksyon
    Sa bahaging ito ipinapakilala ng manunulat ang paksa o isyung pinag-uusapan. Karaniwang kasama rito ang pahayag ng opinyon o pananaw ng manunulat hinggil sa isyu. Ang layunin ng introduksyon ay magbigay kahulugan sa mga mambabasa ukol sa pangunahing isyu ng argumento
  • Katawan o Gitna
    Ito ang bahagi ng teksto kung saan inilalabas ng manunulat ang kanyang mga argumento o katwiran upang suportahan ang kanyang opinyon. Maaaring gamitin niya dito ang ebidensya o datos, halimbawa at iba pang impormasyong makatutulong sa pagpapatibay ng kanyang pahayag
  • Pahayag ng Katwiran o Thesis Statement

    Ipinapakita rito ng manunulat ang pangunahing ideya ng teksto at ang posisyon ng manunulat hinggil sa isyu. Karaniwang matatagpuan ito sa introduksyon o unang bahagi ng teksto
  • Rebyu
    Pagkatapos ng paglalahad ng argumento, karaniwang sinusundan ito ng rebyu o pag-uugma ng mga ideya. Sa bahaging ito inilalatag ng manunulat ang koneksyon ng bawat argumento sa pangunahing pahayag ng teksto. Ipinapakita niya kung paano nagkakabuklod ang mga argumento at kung bakit ang kanyang pahayag ay may katwiran at katuturan
  • Wakas o Kongklusyon
    Sa bahaging ito ipinapakita ng manunulat ang kanyang pangwakas na pahayag hinggil sa isyu. Karaniwang inuulit niya ang kanyang thesis statement at nagbibigay ng huling paliwanag upang pagtibayin ang kanyang posisyon. Ang layunin ng kongklusyon ay mag-iwan ng matinding impresyon sa mga mambabasa at magtakda ng pag-iisip na nais nitong mangyari
  • Ang kahusayan sa pangangatwiran ay humahantong sa isang paglalaban
  • Dapat ba o Hindi Dapat na Ibalik sa Hunyo ang simula ng klase ngayong 2024-2025
  • Palasi ng Pangangatwiran

    • Argumentum ad hominem
    • Argumentum ad baculum
    • Argumentum ad misericordiam
    • Argumentum ad ignorantiam
    • Non sequitur
    • Ignoratio elenchi
    • Maling paglalahat
    • Maling analohiya / paghahambing
    • Maling saligan
    • Maling awtoridad
    • Dilemma
    • Mapanlinlang na tanong
  • Tekstong persweysib
    Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
  • Tekstong persweysib
    • Mga katwirang hahantong sa isang lohikal na kongklusyon
    • Mga pahayag na makaaakit sa isipan at damdamin ng mga mambabasa
    • Isinusulat upang mabago ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at makumbinsi ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba
  • Tekstong persweysib
    • May subhetibong tono
    • Taglay nito ang personal na opinion ng may-akda
    • Karaniwang ginagamit sa mga iskrip ng patalastas,propaganda para sa eleksyon,at pagrerekrut para sa isang samahan o networking
  • Ethos
    Ang karakter, imahe o reputasyon ng manunulat
  • Logos
    Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng isang manunulat / tagapagsalita
  • Pathos
    Emosyon ng mambabasa o tagapakinig
  • Isa si Aristotle sa mga pilosopong naniniwala sa kahalagahan ng panghihikayat
  • Mga elemento ng panghihikayat ayon kay Aristotle
    • Ethos
    • Logos
    • Pathos
  • Ang elementong ethos ang magpapasya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, mambabasa ang manunulat
  • Ang elementong logos tumutukoy sa pagiging lohikal ng nilalaman o may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo
  • Ang elementong pathos tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig
  • Mga propaganda device ng panghihikayat
    • Name calling
    • Glittering generalities
    • Transfer
    • Testimonial
    • Plainfolks
    • Card stacking
    • Bandwagon
  • Ang name calling ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri o puna sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin
  • Ang glittering generalities ay ang magaganda at ang nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa
  • Ang transfer ay ang paggamit ng isang personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan
  • Ang testimonial ay kapag ang isang personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto
  • Ang plainfolks ay karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo
  • Ang card stacking ay ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng isang produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magagandang katangian
  • Ang bandwagon ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na