fili

Cards (44)

  • Ang buong pangalan niya ay Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.
  • Ang kanyang mga magulang ay sina Teodora Alonso Realonda at Francisco Mercado. Pampito sa labing-isang anak ng kanyang mga magulang.
  • Mga kapatid ni Rizal
    • Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Luisa, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad
  • Nagsimulang mag-aral sa edad na tatlong taon. Tahimik at lubhang mapagmasid
  • Apat na taong gulang nang makaranas ng kalungkutan nang mamatay ang kanyang kapatid na si Concepcion.
  • Mahilig siya sa pagbabasa at pakikinig sa usapan ng kanyang nakakatandang kapatid.
  • Kinatutuwaan niya ang pagpipinta, pagsulat, at paglililok.
  • Walong taong gulang nang kanyang isulat ang "Sa Aking Mga Kababata".
  • Sinundan ito nang siya'y siyam na taong gulang nang mabilanggo ang kanyang ina dahil sa maling paratang.
  • Nasaksihan ang pagbitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
  • Unang pumasok siya sa paaralan ng Biñan sa Laguna sa pagtuturo ni Justinian Aquino Cruz.
  • Labing isang taong gulang si Rizal nang siya ay mag-aral sa Ateneo de Manila. Bantulot ang paaralan na siya ay tanggapin sa dalawang dahilan: a. Nahuli sa pagpapatala b. Maliit at mukhang sakitin
  • Siya ay napiling emperor sa klase nila dahil siya ang pinakamarunong sa lahat ng klase. Natamo ni Rizal ang pinamataas na karangalan nang matapos ang kursong "Bachiller de Artes" na gulang na 16 na taong gulang.
  • Ang tulang "Sa Aking Inspirasyon" na inihandog niya sa kanyang ina bilang mag-aaral sa Ateneo.
  • Siya ay nag-aral sa paaralang Unibersidad ng Sto. Tomas sa kursong medisina upang matulungan niya ang kanyang ina na may sakit sa mata. Nakita sa paaralang ito ang kawalan ng respeto sa mga mag-aaral na Pilipino kaya nagpatuloy siya sa pag-aaral sa ibang bansa.
  • Noong Mayo 3, 1880 lingid sa kaalaman ng kanyang magulang, siya ay palihim na lumabas ng bansa. Ginamit niya ang pangalang Jose Mercado. Labis na kalungkutan ang kanyang dinanas sapagkat si Leonor Rivera ay iniwan niya nang walang paalam ang kasintahan.
  • Noong Hunyo 21, 1884, natapos niya ang kursong medisina sa Unibersidad Central de Madrid. Noong sumunod na taon natapos niya ang Pilosopiya
  • Segunda Katigbak
    Kapatid ng kaibigan ni Rizal na si Mariano Katigbak. Siya ay 14 taong gulang na umibig kay Rizal. Ipinagkasundo na magpakasal kay Manuel Luz. Itinuturing na unang pag-ibig ni Rizal.
  • Leonor Valenzuela
    Ang kanyang palayaw ay Orang. Tinuruan ni Rizal si Leonor ng lihim sa pagbasa ng anumang tala na nakasulat sa tintang di-nakikita.
  • Leonor Rivera
    Ang kanyang ama na si Antonio Rivera ay pinsan ng ama ni Rizal na Francisco Mercado. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng La Concordia. Hindi gusto ng magulang niya kaya't pinigilan nila ang pagmamahalan ng dalawa. Nais na sana niyang pakasalan ni Rizal ngunit hindi na sila muling nagkita matapos lumipat ang pamilya sa Dagupan. Ipinakasal sa ibang lalaki.
  • Suzanne Jacoby
    Si Suzanne ay ang pamangkin ng may-ari na paupahang bahay na tinirhan ni Rizal sa Brussels, Belgium. Anim na buwan silang magkasama ngunit umalis din si Rizal upang pumunta ng Madrid.
  • Nellie Bousted
    Siya ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina ay Pilipina at ang ama naman niya ay isang British. Ang unang nanligaw sa kanya ay si Antonio Luna ngunit umamin ang dalaga na may lihim siyang pagtingin kay Rizal. Inilarawan ni Rizal si Nellie bilang isang maganda, matalino, at relihiyosong babae. Hindi nagpatuloy ang kanilang pag-iibigan dahil tumanggi si Rizal na maging Protestante.
  • Josephine Bracken
    Nagkakilala sila nang pumunta siya sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama na magpatingin sa mata kay Rizal. Nabighani si Rizal at nagkamabutihan ang dalawa. Sila ay nagpakasal at nagkaroon sila ng isang anak ngunit ito ay namatay pagkatapos itong isilang. Natapos ang kanilang relasyon ng bitayin si Rizal sa Bagumbayan.
  • Pilibustero
    Isang taong kritiko, taksil, o lumalaban sa ipinag-uutos ng pamahala
  • paupahang bahay
    bahay na pinaupahan
  • Rizal ay tinirhan sa Brussels, Belgium
  • NELLIE BOUSTED
    May dugong Pinoy, ang ina ay Pilipina at ang ama ay British
  • Ang unang nanligaw kay Nellie Bousted ay si Antonio Luna ngunit umamin ang dalaga na may lihim siyang pagtingin kay Rizal
  • Hindi nagpatuloy ang pag-iibigan ni Rizal at Nellie dahil tumanggi si Rizal na maging Protestante
  • JOSEPHINE BRACKEN
    Nagkakilala sila nang pumunta siya sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama na magpatingin sa mata kay Rizal
  • Nabighani si Rizal at nagkamabutihan sila ni Josephine Bracken
  • Sila ay nagpakasal at nagkaroon sila ng isang anak ngunit ito ay namatay pagkatapos itong isilang
  • Natapos ang kanilang relasyon ng bitayin si Rizal sa Bagumbayan
  • Pilibustero
    Isang taong kritiko, taksil, o lumalaban sa ipinag-uutos ng pamahalaan
  • Simula ng pagsusulat ng El Fili
    1890
  • Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili ay isinasabay niya ang pagbisita sa mga kaibigan at magagandang lugar sa Europa
  • Upang matutukang mabuti ang pagsusulat sa nobela ay lumipat sila ng kanyang kaibigan na si Jose Alejandrino sa Brussels Belgium
  • Mga suliranin ni Rizal habang isinusulat ang nobela
    • Kinapos siya sa pananalapi
    • Ginigipit ang pamilya at kamag-anak sa Pilipinas
    • Naging balakid ang suliranin sa puso
    • Lumayo sa kanya ang mga kasama niya sa "La Solidaridad"
  • Natapos ang nobela noong Marso 29,1891 sa Ghent, Belgium
  • Binigay ni Rizal ang orihinal na sipi nito kay Valentin Ventura bilang pagtanaw ng utang na loob