PPTTP

Cards (27)

  • Pananaliksik
    Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian
  • Gamit ng pananaliksik
    • Tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao
    • Bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon
    • Linawin ang isang pinagtatalunang isyu
    • Patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o ideya
  • Katangian ng mabuting pananaliksik

    • Obhetibo
    • Sistematiko
    • Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
    • Empirikal
    • Kritikal
    • Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
    • Dokumentado
  • Uri ng pananaliksik ayon sa layunin
    • Basic o Pure Research
    • Action Research
    • Applied Research
  • Uri ng pananaliksik ayon sa pamamaraan
    • Kwaliteytiv (Qualitative)
    • Kwantiteytiv (Quantitative)
    • Pinaghalo (Mixed)
  • Uri ng pananaliksik ayon sa proseso
    • Palarawang Pananaliksik
    • Pagalugad na Pananaliksik
    • Pagpapaliwanag na Pananaliksik
    • Eksperimental na pananaliksik
    • Pahusga ng Pananaliksik
  • Mga varyabol/salik na makapaglilimita sa paksa
    • Panahon
    • Edad
    • Kasarian
    • Lugar o espasyo
    • Pangkat o sektor ng kinasasangkutan
    • Perspektiba o pananaw
  • Tamang pormat o pagkakasunod-sunod ng pananaliksik
    • Introduksiyon
    • Kaugnay na Literatura
    • Metodolohiya
    • Interpretasyon ng mga Datos
    • Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
    • Bibliyograpiya
  • Introduksiyon o Panimula

    Binubuo ng mga talata na nagbibigay ng pahapyaw na kaalamang magiging mabisa sa pagtalakay ng mga susunod na bahagi ng pananaliksik. Ito ay simple, tuwiran at teknikal ang nararapat gamitin na estilo, hindi mabulaklak at hindi paligoy-ligoy
  • Suliranin ng Pag-aaral (SOP)

    Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik dahil dito nakasentro ang pag-aaral. Kung wala ito, walang pag-aaral na magaganap. Ang paglalahad ng suliranin ay nagsisimula sa pangkalahatang paglalahad (major statement) na susundan ng mga tiyak na katanungan (specific questions)
  • Kahalagahan ng Pag-aaral (SOS)

    Nagsasabi kung sino ang makikinabang sa pag-aaral na isinasagawa at kung ano ang kapakinabangang maibibigay nito sa kanila. Nagbibigay rin ito ng pagkakataong maipahayag ang ambag ng pananaliksik sa iba't ibang larangan at disiplina
  • Estilo
    Simple, tuwiran at teknikal ang nararapat gamitin, hindi mabulaklak at hindi paligoy-ligoy
  • Kaligiran ng pag-aaral
    Tinatawag din na background of the study
  • Suliranin ng Pag-aaral (SOP)
    Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik dahil dito nakasentro ang pag-aaral, kung wala ito, walang pag-aaral na magaganap
  • Kahalagahan ng Pag-aaral (SOS)
    Nagsasabi kung sino ang makikinabang sa pag-aaral at kung ano ang kapakinabangang maibibigay nito sa kanila
  • Saklaw ng pag-aaral

    Tumutukoy sa lugar, panahon at mga kalahok sa pag-aaral
  • Delimitasyon
    Bahagi ng imbestigasyon na maaaring makaapekto sa resulta ng pag-aaral
  • Kaugnay na Literatura
    Mga literatura at pag-aaral na may malaking kinalaman o kaugnayan sa ginagawang pananaliksik
  • Disenyo ng Pag-aaral
    Estratehiya o plano na ginagamit upang masaklawan at masuri ang isang isyu, tanong, o phenomenon
  • Populasyon ng Pananaliksik

    Mga taong kasangkot sa isasagawang pag-aaral
  • Pangangalap ng Datos
    Paraan ng pagkolekta ng datos mula sa nabuong instrumento
  • Buod o Sintesis
    Isinusulat ang kaligiran at ang pinakakabuuang kinalabasan ng pananaliksik
  • Konklusyon
    Ipinapahayag ng mananaliksik kung tatanggapin ang hinuhang binanggit sa unang kabanata o hindi
  • Rekomendasyon
    Pagbibigay-mungkahi ng mananaliksik sa mga kinauukulan
  • Bibliyograpiya
    Organisadong listahan ng mga sangguniang ginamit sa pagbubuo ng isang sulatin
  • Plagiarism
    Pangongopya ng ideya o salita ng ibang tao nang hindi sila kinikilala
  • Pangangalap at Pagsasaayos ng mga Tala
    1. Direktang Sipi
    2. Paglalagom/Buod ng Tala
    3. Hawig o Paraphrase
    4. Abstrak
    5. Salin/Sariling Salin