Mod 9

Cards (44)

  • Dula
    Uri ng akda na ang kaisipan ng sumulat ay inilalagay sa bibig ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan o dulaan at ito ay nahahati sa yugto
  • Dula
    • Ang pinakamataas at dakilang layunin tungo sa lalong pinakamataas na uri ng dula ay ang pagtuturo sa puso ng tao, at sa pamamagitan ng kanyang kagiliwan
    • Isang sining ng paggawa o paglimita sa kalikasan ng buhay, kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay, sa wika, sa kilos at damdamin, sa sining upang makaaliw, makapagturo at makapagbigay mensahe
    • Isang kasangkapan sa pagpapaunlad ng mabuting pagkakaunawa ng tao, isang kaparaanan upang maihasik ang pag-ibig sa tinubuang lupa at mithiing pangkasaysayan ng bansa
  • Mga Salitaan sa Dulaan
    • Ang mga salitaan sa dula ay iniaangkop sa mga tauhang gaganap sa bawat eksenang kanilang gagampanan
    • Ang salitaan ng tauhan sa dulaan ay tinatawag na dayalogo na may paggamit ng mga salitang magagaan at hindi maligoy
    • Monologo naman ang tawag sa pakikipag-usap sa sarili ng nag-iisang tauhan sa tanghalan na maaaring ang sarili na rin niya ang kanyang kausap
    • Ang aparte ang sariling pangungusap ng isang tauhan na hindi pinaririnig sa kapwa tauhan na nasa tanghalan
  • Mga Tauhan sa Dula
    • Ang tauhan sa dula dapat ay hindi parang manikang pinagagalaw lamang ng awtor na tila pilit, dinidiktahan at sinususian saka lamang gagalaw, dapat iyong may kusa ang kilos at naaayon sa hinihingi ng pangyayari at eksena na kaniyang ginagampanan
    • Ang kaniyang pagkatao, ugali, tungkulin, at iba pa ay makikilala ng mga mambabasa at manonood sa pamamagitan ng mga usapang namamagitan sa kanila
  • Pagtatanghal ng Dula
    • Laging isinasaisip ang pananagumpay ng pagtatanghal kung saan nakasalalay nang malaki sa mga pagganap ng mga tauhan
    • Anuman ang kahihinatnan maging ang hindi inaasahang pangyayari at itinuturing bahagi rin ng dula tulad halimbawa ng pagkadulas sa tanghalan, pagkasira ng kagamitan at marami pang iba
  • Tula
    • Pinakamatandang sining sa kuturang Pilipino
    • Pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng awit, sayaw, at dula
    • Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno
    • Bawat sambit nila ay matalinghaga at may katuturan
    • Isang natatanging kalinangan ng isang tao, mapalad na maituturing ang isang nabiyayaan ng ganitong talento dahil hindi lahat ay may ganitong kakayahan o talento
    • Isang kaisipang naglalarawan ng kung anong mayroong kakayahan sa pagiging malikhain ng kaisipan ng tao sa pagsulat
  • Sa panitikan, ang tula ang itinuturing na pinakamataas na kamalayan ng mga manunulat
  • Makabagong Tula

    • Tinatawag na "spoken poetry"
    • Kinahihiligang paraan ng pagpapahayag ng mga kabataan ng kanilang mga damdamin o saloobin
  • Maikling Kuwento
    • Isang akdang pampanitikan sa tuluyan, sa pamamagitan ng mga pangunugsap at talata'y binubuo ng may-akda upang sa kaniyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng sining, mailahad niya ang isang maselang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa
    • Ito ang dahilan kung bakit noon pa mang unang panahon ay mayroon na tayong maikling kathang nagsasalaysay tulad ng alamat, kuwentong bayan, at iba pa kaya hanggang ngayon, buhay na buhay ang maikling kwento bilang mahalagang bahagi ng panitikang Filipino
    • Isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay sa pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan
    • May maikling kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw kung kaya hindi na nangangailangan ng mahabang oras o panahon sa pagbabasa
  • Mga Uri ng Maikling Kuwento
    • Kuwento ng Pag-ibig
  • Uri ng Maikling Kuwento
    • Kuwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran
    • Kuwento ng Madulang Pangyayari
    • Kuwento ng Katatawanan
    • Kuwento ng Katatakutan, atbp.
  • Uri ng Maikling Katha
    • Maikling Katha ng Kabanghayan
    • Maikling Katha ng Katauhan
    • Maikling Katha ng Kapaligiran/Katutubong Kulay
    • Maikling Katha ng Kaisipan/Sikolohiko
  • Mga Salik ng Maikling Kuwento
    • Banghay
    • Paningin
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Suliranin
    • Paksang-diwa
    • Himig
    • Salitaan
    • Pagtutunggali
    • Kakalasan
    • Kasukdulan
    • Galaw
  • PINATATAG NG PAGSUBOK- prof. Daren M. Tan
  • Nobela
    Mahabang uri ng kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas ng istorya na ang pinakapangunahing sangkap ay ang hangarin ng bayani na sa dako roon at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay
  • Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela
  • Nobela
    Isang kathangbuhay kung ituring sa wikang Filipino. Katha sapagkat likha ng panulat. Hinabi ng manunulat ayon sa kanyang guni-guning dapat na maging anyo ayon sa paksang tinalakay. Buhay sapagkat ang ma kasaysayan isinasalaysay, hindi man lubos na gawa ng isip, ay hango sa mga pangyayaring tunay na naganap o nagaganao sa buhay ng isang tao. Sa pag-uugnay o pagsasanib ng mga guni-guni at nang iba pang sangkap nabuo ang kathangbuhay
  • Uri ng Nobela
    • Nobelang Romansa
    • Kasaysayan
    • Nobelang Banghay
    • Nobelang Masining
    • Layunin
    • Nobelang Tauhan
    • Nobelang Pagbabago
  • Elemento ng Nobela
    • tagpuan
    • tauhan
    • banghay
    • pananaw
    • tema
    • damdamin
    • pamamaraan
    • pananalita
    • simbolismo
  • Layunin ng Nobela
    • gumising sa diwa at damdamin
    • nananawagan sa talino ng guni-guni
    • mapukaw ang damdamin ng mambabasa
    • magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
    • nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
  • Talumpati
    Maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati
  • ad ng buhay at lipunan
    Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
  • Talumpati
    Maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri
  • Layunin ng Talumpati
    Upang maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala, o magbigay papuri
  • Panimula ng Talumpati
    Tatalakaying ano ang talumpati, ang layunin nito kung bakit may nabubuong talumpati, maging mga bahagi ng talumpati at ang iba't ibang uri ng talumpati
  • Talumpati
    • Buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao
    • Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
    • Uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
    • Sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig
  • Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan

    • Dagli
    • Maluwag
    • Pinaghandaan
  • Dagli
    Kilala din sa tawag na "Impromptu" ay isang uri ng talumpati kung saan walang paghahanda ang isang mananalumpati
  • Maluwag
    Kilala din sa tawag na "Extemporaneous" ay kung saan may panahon para maghanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita
  • Pinaghandaan
    Kilala din sa tawag na "Prepared" ay maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa ang mananalumpati
  • Iba Pang Uri ng Talumpati

    • Talumpating Pampalibang
    • Talumpating Nagpapakilala
    • Talumpating Pangkabatiran
    • Talumpating Nagbibigay-galang
    • Talumpating Nagpaparangal
    • Talumpating Pampasigla
  • Talumpating Pampalibang
    Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo
  • Talumpating Nagpapakilala
    Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita
  • Talumpating Pangkabatiran
    Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba't ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay
  • Talumpating Nagbibigay-galang
    Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis
  • Talumpating Nagpaparangal
    Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati
  • Talumpating Pampasigla
    Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng: Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro, Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro, Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
  • Maaaring mapabuti ang talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas
  • Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan (rapport) sa madla
  • Talumpating Nagpapakilala
    Panimulang talumpati, karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.