ESP (Finals)

Cards (41)

  • Pagmamahal sa Diyos

    Ugnayan ng tao at ng Diyos
  • The "Unmoved Mover" Argument

    • Lahat ng bagay sa mundo ay gumagalaw o may nag-udyok ng paggalaw para ito ay gumalaw
  • The "Nothing is Caused by Itself" Argument

    • Hindi malilikha ng isang bagay o organismo o ano pa man ang kaniyang sarili
  • The Cosmological Argument
    • Hindi maaaring likhain ng isang bagay ang kaniyang sarili, maaaring ang lahat ng bagay sa mundong ito ay wala noon
  • Objects in the world have differing degrees of qualities such as goodness

    • Masasabi nating ang kakulangan, kahinaan, kalakasan ng isang bagay o nilalang kung mayroon tayong pinaghahambingan at pinagbabatayan
  • The Teleological Argument (Argument from Design)

    • Lahat ng bagay sa mundo ay gumagalaw dahil sa partikular na layunin. Hindi maaari ang paggalaw kung walang layunin
  • John 3:16: '"Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, ibinigay niya ang Kaniyang bugtong na anak upang ang sino mang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."'
  • Ayon sa paniniwalang Kristiyano, ibinigay ng Diyos ang Kaniyang bugtong na anak na si Hesus upang mailigtas ang lahat ng sangkatauhan sa pagkakasala
  • Ang pagmamahal na ipinamalas ng ng Diyos ay itinuturing na huwaran ng mga tao
  • Upang maipakita ng tao ang pagmamahal sa Diyos, mahalagang maipamalas muna niya ang pagmamahal sa kaniyang kapuwa tao
  • Pananampalataya
    Matibay na paniniwala sa Diyos o sa mga doktrinang pinaniniwalaan ng isang relihiyon batay sa espirituwal na pang-unawa sa halip na katibayan; sistema ng paniniwalang panrelihiyon; isang taimtim na paniniwala sa teorya
  • Espirituwalidad
    Debosyon o katapatan sa lahat ng bagay na espirituwal
  • Sinasabing ang pananampalataya ng tao at ang kaniyang espirituwalidad ay magkabuhol
  • Sa pamamagitan ng pagpapamalas nila ng matibay na pananampalataya at paglinang ng kanilang espirituwalidad ay naipakikita ng tao ang pagmamahal niya sa Diyos
  • Mahalaga ang pananampalataya at espirituwalidad sa paghahanap ng tao ng tunay na kahulugan ng kaniyang buhay
  • Ginagawa natin ang mga kawanggawang ito bilang pagganap natin sa Kaniyang tungkulin bilang mga Kristiyano, hindi lamang sa kaniyang sarili kundi maging bilang mananampalataya
  • Kabutihan
    Nagsisilbing diwa ng kadakilaan at ang humuhubog sa puso ng pagiging isang mabuting tao
  • Mga Paraan sa Pananampalataya

    • Pangangalaga sa kapaligiran na nilikha niya
    • Pagsunod sa Kanyang utos at kagustuhan
    • Paggalang sa karapatan at pag-iral ng tao
    • Pakikipag-ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin
    • Paglalaan ng panahon sa pananahimik at pagninilay
    • Pagsasamba
    • Pag-aaral ng salita ng Diyos
    • Paglaan ng panahong basahin ang mga aklat kaugnay ng espiritwalidad
  • Paraan sa pananampalataya

    1. Pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin
    2. Paglalaan ng panahon sa pananahimik at pagninilay
    3. Pagsasamba
    4. Pag-aaral ng salita ng Diyos
    5. Paglaan ng panahong basahin ang mga aklat kaugnay ng espiritwalidad
    6. Pagtuklas ng Kanyang presensya sa iyong buhay
  • Tayo ay nakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang daan para sa komunikasyon sa mga hiling, hinaing at tiwala sa Diyos.
  • Sa bawat aksyon na ginagawa at gagawin pa lamang, marapat na ito ay pinag-isipan.
  • Kung tayo ay nakakapaglaan ng oras upang gumala at magsaya, tayo rin ay dapat makapaglaan ng panahon sa pagbisita ng tahanan ng Diyos.
  • Ang pundasyon ng mainam at matibay na pananampalataya ay ang pakikinig, pag-aaral at pagsasapuso ng kanyang mga salita.
  • Maaaring makilala ang Diyos sa madaming paraan lalo na sa panahong moderno ngayon.
  • Hindi man natin nakikita ang Diyos ng literal ngunit andyan pa rin siya sa sa atin tabi upang tayo ay gabayan at samahan sa mga kataasan at kababaan sa buhay.
  • Pope John Paul II: 'Bumukal mula sa ating mga puso ang mga salita ng Lumang Tipan, "Naging mistula akong bangkang butas. Naririnig ko ang bulong ng marami — pagmamalupit sa bawat sulok — nang nangagtipon silang lahat laban sa akin, nang pagtangkaan nila ang aking buhay. Subalit nananalig ako sa inyo O Panginoon: Sinasabi kong ikaw ang aking Diyos."'
  • Yaong katahimikang nagugunita. Katahimikang susubok na maunawaan ang kahalagahan ng mga alaalang patuloy na bumabalik. Katahimikan sapagkat walang salitang maaaring maglarawan sa matinding trahediya sa Shoah.
  • Mahigit kalahating siglo na ang nakararaan, subalit ang alaala ay bumabalik.
  • Walang sinumang makalilimot o mag-balewala sa nangyari. Walang sinumang makapagpapahupa ng katindihan nito. Alalahanin natin ito. Subalit ibig nating alalahanin nang may dahilan, nang sa gayon ay ay makatitiyak tayong ang kasamaan ay hindi na muli pang mamamayani, tulad ng ginawa nito sa milyong inosenteng biktima ng Nazismo.
  • Tanging ang mga taong may ideyolohiyang hindi maka-Diyos ang siyang magtatangka at gagawa ng hakbang upang lipulin ang sangkatauhan.
  • Ang pagkilalang iginawad sa mga "Halos Hintil" ng bayan ng Israel sa Yad Vashem dahil sa kabayanihang ginawa nila upang isalba ang mga Hudyo, kahit nangangailangan pang ibuwis nila ang kanilang buhay, ay isang pagkilalang hindi nawawalan ng ilaw sa madidilim na yugto.
  • Mula sa kaibuturan ng pasakit at kalungkutan, isinisigaw ng puso ng mga naniniwalang: "Nananalig ako sa inyo, O Panginoon: Sinasabi kong, Ikaw ang aking Panginoon."
  • Ang buhay ay isang mahalagang regalong handog sa atin ng Diyos. Siya ang may hawak at kumokontrol dito, siya ang may alam sa magiging kaganapan rito.
  • Lahat tayo ay may kakayahan at abilidad na gumawa ng masama at kung ano mang laban sa salita ng Diyos. Marapat na isa-alang alang palagi kung ano ang tama.
  • Para sa ating mga nakalipas na maling nagawa, marapat na tayo ay matuto nang sa gayon ay hindi na ito maulit pa.
  • Bilang anak ng Diyos, nawa'y tayoy maging mabuting ehemplo sapagkat kailan man ay hindi malalamangan ng kasamaan ang kabutihan at kadakilaan ng Diyos.
  • PAGGALANG SA BUHAY
    • Pagmamahal sa iyong buhay
    • Pagtuklas sa layunin ng buhay
    • Paggamit ng buhay sa hindi mapang-abusong paraan
    • Pag-alay ng buhay para sa iba
    • Pag-alay ng buhay sa dakilang lumikha
  • MGA GAWAING NAGPAPAKITA NG HINDI PAGGALANG SA BUHAY
    • Pagpatay
    • Aborsiyon
    • Pagkitil ng buhay ng taong nakaratay sa karamdaman (mercy killing)
    • Pagtangging gamutin ang isang maysakit
    • Mababang pagtingin sa taong kapos sa buhay
  • Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
  • Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod nang Kabesa sa noo, paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.