Isinilang ng magsimulang magtanong ang mga sinaunang tao hinggil sa mga bagay bagay na pilit din nilang hinahanapan ng mga kasagutan. Nakapagpapayaman ng kaisipan at nakapagdaragdag ng kaalaman.
Pananaliksik
Sistematiko, matalino, at etikal na pagkalap ng impormasyon upang masagot ang isang tanong o malutas ang isang suiranin.
Sistematiko dahil hinihingi nito ang pagsunod sa isang panadong proseso. May mga hakbang na kailangang sundin upang matiyak na tama at maaasahan ang mga resultang makakalap, at naaayon sa pondo at oras ang gawain.
Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik. Naiintindihan niya dapat ang paksang sinasaliksik niya; alam niya kung paano pipiliin ang mga impormasyong pakikinabangan niya at hindi; kaya niyang lapatan ang mga ito ng malalim na pagsusuri; at kaya niyang ipaliwanag sa mundo ang kabuluhan ng kaniyang pananaliksik.
Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at iwasan hangga't maaari ang paglabag sa karapatan ng ibang taong maaaring masangkot sa pananaliksik, gaya ng mga kukunin niyang respondent o ang mga awtor ng mga sangguniang gagamitin niya.
Galileo Galilie kung kanino nagsimula ang gawaing pananaliksik
1500
Katangian ng Pananaliksik
Sistematik
Kontrolado
Empirikal
Mapanuri
Lohikal, obhetibo at walang pagkiling
Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo
Isang orihinal na akda
Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
Matiyaga at hindi minamadali
Pinagsisikapan
Nangangailangan ng tapang
Maingat na pagtatala at pag-uulat
Mapagkakatiwalaan
Validity
Kawastuhan
Kredibilidad
Generalizability
Sistematik
May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
Kontrolado
Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, ano mang pagbabagong nagaganp sa asignatura na pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na pananaliksik.
Empirikal
Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
Mapanuri
Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasang gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
Lohikal, obhetibo at walang pagkiling
Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang dito ang sariling pagkiling.
Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo
Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
Isang orihinal na akda
Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.
Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Lahat ng kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
Matiyaga at hindi minamadali
Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadāli at ginawa ng walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matibay na kongklusyon at paglalahat.
Pinagsisikapan
Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
Nangangailangan ng tapang
Kailangan ang tapang ng mananaliksik sapagkat maaaring makaranas ng mga hazards at discomforts, gayundin ng di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan at di-pagkakaunawaan sa pagitan ng kasamang mananaliksik habang nananaliksik.
Maingat na pagtatala at pag-uulat
Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay makaaapekto sa tuklas ng pananaliksik. Kailangan ding maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik para sa angkop na dokumentasyon at kadalasan ay sa pasalitang paraan o oral defense.
Mapagkakatiwalaan
Ulitin man ang pananaliksik gamit ang parehong pamamaraan, nararapat ay maging magkatulad ang resulta na siyang pinupunto ng pagiging mapagkakatiwalaan. Ang pabagu-bagong resulta ay tanda ng hindi lubusang mapagkakatiwalaan ang resulta ng pananaliksik at mainam na makabuo ng ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng pananaliksik.
Validity
Pagiging tama o mali ng resulta ng pananaliksik at tumitiyak kung maaari bang maging kapaki-pakinabang ang pananaliksik. Maaring mabisa nga ang instrumento ng pananaliksik ngunit sa uri ng pananaliksik ay hindi ito angkop.
Kawastuhan
Tumutukoy sa kaangkupan ng mga kagamitan ng pananaliksik sa isinasagawang pananaliksik. Dapat ay maaaring pag-ugnay-ugnayin ang lahat ng kasangkapan sa pananaliksik upang matiyak na wasto ang pananaliksik.
Kredibilidad
Kailangang maingat na piliin ang mga hanguan ng impormasyon. Tiyaking ang mga pinagkunan ay mapagkakatiwalaan at kung may nakapanayam man, kailangang matiyak na siya ay taong kinikilala sa larangan ng pinag-uusapan.
Generalizability
Mahalagang tiyakin na ang resulta ng pananaliksik ay maaaring maikapit sa mas malalaking populasyon kung kaya't sa pagpili ng sample size, kailangang tiyakin na ito ay maaaring kumatawan sa mas malalaking bilang.
Kahalagahan ng Pananaliksik
Pampayaman ng kaisipan, lumalawak ang karanasan, nalilinang ang tiwala sa sarili, nadaragdagan ang kaalaman
Uri ng Pananaliksik
Naturalistik
Debelopmental
Uri ng Pananaliksik (Ayon sa Layunin)
Batayan
Aplayd
Uri ng Pananaliksik (Ayon sa Pamamaraan o Metodo)
Kwantiteytib
Kwaliteytib
Magkahalo
Uri ng Pananaliksik (Ayon sa Disenyo)
Eksperimental
Di-eksperimental
Palarawan (Descriptive)
Tatlong bahagi ng pananaliksik
Manipulasyon
Randomisasyon
Kontrol
Kwasi-eksperimental
Kapag ang partisipant ay hindi pinili nang pa-random o walang randomisasyon
Action research
Isang uri ng pananaliksik na ang karaniwang layunin ay mabigyan ng ebalwasyon ang kasalukuyang kalakaran at humanap ng mas mabuting alternatibo
Mga sub-kategorya ng Di-eksperimental
Deskriptib
Historikal
Korelasyonal
Ex post facto
Ebalwasyon
Deskriptib na disenyo
Inilalarawan lamang ang mga katangian ng isang populasyon o penomenon
Historikal na disenyo
Kritikal na imbestigasyon ng mga nakaraang pangyayari, debelopment o karanasan
Korelasyonal na disenyo
Ginagamit kung layunin ng mananaliksik na tukuyin ang relasyon ng dalawa o higit pang set ng datos
Deskriptib
Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral na naninirahan sa mga boarding houses at ang nagiging epekto nito sa kanilang pag-aaral
Pangkasaysayan
Pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating pambansang wika
Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
Isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman, o kaya'y isang mabigat na suliranin
Pag-aaral ng Isang Kaso
Pag-aaral sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na naging dahilan ng pagkakapasok niya sa rehabilitation center