esp

Cards (33)

  • Katotohanan
    Nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay
  • Pagsukat ng katapatan
    Nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan
  • Sinumang sumusunod sa katotohanan
    Nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya
  • Katotohanan
    Kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo
  • Ang sinuman ay may kakayahan na makalikha ng isang kasinungalingan upang pagtakpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba
  • Pagsisinungaling
    Hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan
  • Pagsisinungaling
    Isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan
  • Uri ng kasinungalingan
    • Jocose lies
    • Officious lie
    • Pernicious lie
  • Jocose lies
    Isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang
  • Jocose lies
    • Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Klaus na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging masunurin at mabait nito, na ang katotohanan ay ang mga magulang ang Santa Klaus sa buhay ng mga kabataan
  • Officious lie

    Tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling ang usapan
  • Officious lie
    • Pagtanggi niya sa pagkain ng hita ng pritong manok na nasa malaking pinggan, na ang katotohanan ay kinain naman niya
  • Pernicious lie
    Nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba
  • Pernicious lie
    • Pagkakalat ng maling pagbibintang kay Pedro tungkol sa nawawalng wallet ng kaniyang kaklase na hindi naman siya ang kumuha nito, na ang katotohanan siya ay biktima rin ng pagnanakaw
  • Lihim
    Pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat
  • Uri ng lihim
    • Natural secrets
    • Promised secrets
    • Committed or entrusted secrets
  • Natural secrets
    Mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral
  • Promised secrets
    Mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito
  • Committed or entrusted secrets
    Naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag
  • Committed or entrusted secrets
    • Ang isang sekretarya ng doktor, na inililihim ang mga medical records ng isang pasyente
  • Mental reservation

    Maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito
  • Prinsipyo ng Confidentiality
    Ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan
  • Plagiarism
    Paglabag sa Intellectual Honesty
  • Intellectual piracy

    Paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement)
  • Theft
    Hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito
  • Prinsipyo ng Fair Use
    Magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan at tamasahin ito
  • Whistleblowing
    Isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon
  • Seksuwalidad
    Kaugnay ng pagiging ganap na babae o lalaki. Magiging ganap na tao at bukod tangi sa pamamagitan ng pagkalalaki o pagkababae
  • Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos
  • Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)
    Pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik
  • Pornograpiya
    Mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. Nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa
  • Pang-aabusong Seksuwal

    • Pang-aabuso na isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal
    • Paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment
    • Karamihan sa mga nagiging biktima ay ang mga bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may kapusukan at kadalasan, iyong mga nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga magulang
  • Prostitusyon
    Pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. Madali silang makontrol. May mga nakapagtapos ng pag-aaral ngunit naabuso noong bata pa, kaya nawala ang paggalang sa sarili at tamang pagkilala