Module 4

Cards (34)

  • TSISMISAN
    ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila
    naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa.
  • Gossiper
    Ito ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba.
  • Tsismosa
    kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo naman ang mga kwento ay madalas na exaggerated.
  • Tsismis
    kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at
    kasalanan.
  • libel o slander

    ipagtanggol ang sarili laban sa tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad at itinuturing na paninirang- puri sa pamamagitan ng pagsampa ng kasong
  • Umpukan
    ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
  • Talakayan
    Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.
  • Uri ng Talakayan
    Impormal na Talakayan
    Pormal na Talakayan
  • Impormal na Talakayan
    Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
  • Pormal na Talakayan
    Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda\ ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.
  • Mga Uri ng Pormal na Talakayan

    Panel Discussion
    Simposyum
    Lecture-Forum o Panayam
  • Panel Discussion

    Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na
    umuupo sa harapan ng mga tagapakinig.
  • Simposyum
    kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
  • Lecture-Forum o Panayam
    ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong\ maglalahad ng mahalagang suliranin. maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.
  • Hindi mapag- kaunawaan

    Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na
  • PANGKATANG TALAKAYAN

    Impormal na Debate o Pagtatalo
    Pormal na Debate
    Pagbabahay-bahay
    Pulong-bayan
  • Impormal na Debate o Pagtatalo

    Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan.
  • Pormal na Debate

    Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito. May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila ng talino batay sa ilalahad na matitibay na katwiran at katibayan.
  • Pagbabahay-bahay

    Isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon.
  • Pulong-bayan
    Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago.
  • Komunikasyong Di-Berbal
    Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang
    ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita. Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan.
  • 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di – verbal na
    komunikasyon.
  • Galaw ng Katawan na ginagamit sa Di-verbal na Komunikasyon

    Ekspresyon ng Mukha
    Galaw ng Mata
    Kumpas Ang kamay
    Tindig o Postura
  • Ekspresyon ng Mukha

    “Nagpapakita ng Emosyon” Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.
  • Galaw ng Mata

    Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
  • Kumpas ng kamay at galaw ng katawan

    Ito ay bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba.
  • Tindig o Postura

    Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
    kalseng tao ang iyong kaharap o kausap.
  • Iba’t Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na
    Komunikasyon
    Kinesika (Kinesics)
    Proksemika (Proxemics)
    Pandama o Paghawak (Haptics)
    Paralanguage
    Katahimikan/Hindi Pag-imik
  • Kinesika (Kinesics)

    Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo nagsasalita,
    ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
  • Proksemika (Proxemics)

    Pag – aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo” Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
  • Pandama o Paghawak (Haptics)

    Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong
    malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. (Pagyakap – Paghaplos)
  • Paralanguage
    Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto.
  • Katahimikan/Hindi Pag-imik
    Ito ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba.
  • MGA EKSPRESYONG LOKAL
    Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Halimbawa: Manigas ka! Bahala na si Batman. (Bahala na.)