Pagiging kasapi ng isang indibidwal sa isang estado
Ang konsepto ng pagkamamamayan at mamamayan ay kadalasang napagpapalit
Mamamayan
Kasapi ng isang bansa at nagtatamasa ng lahat ng karapatang sibil at pulitikal
May karapatang bumoto o manungkulan sa pamahalaan, magmay-ari ng mga ari-arin at makinabang sa mga proyekto ng pamahalaan
Dayuhan
Mamamayan ng ibang bansa na dumadalaw, pumupunta o naninirahan sa ating bansa subalit walang balak na maging kasapi ng ating estado
uri ng Pagiging mamamayang Pilipino
1. Hindi boluntaryo (katutubo o natural born)
2. Boluntaryo sa pamamagitan ng naturalisasyon
Katutubo o Natural Born
Mula pagsilang pa lamang ay kaagad mabibigyan ng pagkamamamayang Pilipino kung isa sa iyong mga magulang ay Pilipino
Naturalisasyon
Ligal na proseso upang matamo ang pagkamamayan ng isang bansa, para sa mga dating dayuhan na humingi ng pahintulot sa ating pamahalaan na maging kasapi ng Estado ng Pilipinas
Naturalized o Naturalisado
Dayuhang ma-ipuproklama na isang mamamayang Pilipino base sa batas ng naturalisasyon
Natural Born
Pilipino mula sa kanilang pagsilang
Naturalisasyon
Ligal na proseso upang matamo ang pagkamamayan ng isang bansa
Katangian ng isang dayuhang humiling ng naturalisasyon
Hindi kukulangin sa 21taong gulang sa araw ng pagdinig ng kaso
Naninirahan na sa loob ng sampung taon
Nagmamay-ari ng mga lupain o kaya'y may matatag na hanapbuhay
Nabubuhay nang marangal at may mabuting pagkatao
Nagpapa-aral ng kanyang mga anak sa mga paaralang pampubliko o paaralang pribado na kinikilala ng pamahalaan
Jus Sanguinis
Batayan ng pagkamamayan sa Pilipinas, ang pagkamamayan ng magulang
Jus Soli
Batayan ng pagkamamayan sa lugar ng kapanganakan
Paraan ng pagkawala ng pagkamamayan
Nag-aplay ng naturalisasyon sa ibang bansa
Kusang loob na tumiwalag sa pagkamamayan sa isang bansa
Nanumpa ng katapatan sa konstitusyon at batas ng ibang bansa o expatriation
Sumanib sa hukbong sandatahan ng ibang bansa
Kung binawi ng husgado ng isang bansa ang pagkamamayan ng isang naturalisadong mamamayan
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas
Kaakibat ng pagkamamayan
Pagiging responsableng mamamayan
Pagmamahal sa kapuwa bansa at kalikasan
Respeto sa karapatang pantao
Iba pang mabubuting gawi para sa pag-unlad hindi lamang ng sarili kundi ng buong bansa
Pagkamamamayan ng Pilipinas
Ligal na Pananaw
Lumalawak na Pananaw
Isang sa malaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino ngayon ay kung paano mapapatunayan ang tunay na pagkamamamayan
Ang paggiit ng mga Karapatan ng mamamayan ay ang kabuuan nang lumalawak na pakahulugan ng isang pagkamamamayan
Karapatang Pantao
Mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang
Karapatang Pantao
Hindi maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga pangangailangan
Bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng pamahalaan sa estado
Kahalagahan ng pagkakaroon ng Karapatang Pantao
Upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao
Upang matiyak na ang pagtamasa sa sariling karapatan ay may pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba
Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino
Uri ng Karapatan
Natural Rights
Constitutional Rights
Statutory Rights
Kategorya ng Karapatan
Karapatang Sibil
Karapatang Pampolitika
Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan
Karapatang Kultural
Karapatan ng mga Akusado
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao
Nang itatag ang UnitedNations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa
Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang "International Magna Carta for all Mankind"
Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas
Mga nilalaman ng UDHR
Preamble at Artikulo 1 - likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya
Artikulo 3 hanggang 21 - karapatang sibil at pulitikal
Artikulo 22 hanggang 27 - karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural
Artikulo 28 hanggang 30 - tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao
Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na nakasulat sa SaligangBatas ng 1987
Mga lugar sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas kung saan nakasaad ang karapatang pantao
Bill of Rights (Art. III)
Pagboto (Art V)
Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art II)
Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art XIII)
Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Art XII)
Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Art. XIV)
Mga karapatang pantao na nakasaad sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng Estado (Art. II) ng 1987 Konstitusyon
Papapahalaga sa dignidad ng isang tao at paggarantiya ng buong respeto sa karapatangpantao
Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya
Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal ay panlipunang kapakanan ng mga kabataan
Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at kalalakihan
Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran ng tao
Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao
Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural
Ang kabataan ay tinuturing na "Pag-asa ng Bayan" sa kanilang kamay nakasalalay ang pag-unlad ng susunod na henerasyon
Ang United Nations Convention on the Right of a Child ay nagbigay ng mas proteksyon at kalinga sa mga kabataan
Mga karapatan ng mga kabataan sa United Nations Convention on the Right of a Child
Karapatang mabuhay
Karapatang magtamasa ng kaunlaran
Karapatang mabigyang proteksyon
Karapatan sa partisipasyon sa lipunan
Ang pagkakaroon ng mga legal na instrumento na pomoprotekta sa bata ay naidudulot ang mas mabuting kalagayan at proteksyon para sa kanila
Mamamayan
Ang pinakamahalagang elemento ng estado at ang bumubuo sa pamayanan
Lipunang sibil
Sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan