Maingat, sistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan (CLARKE AT CLARKE)
Pananaliksik
Obhetibong pag-aanalisa at pagtatala na maaaring tumungo sa paglalahat, simulain, teorya at mga konsepto na magbubunga ng prediksyon (JOHN W. BEST)
Pananaliksik
Proseso ng pagkakaroon ng mapanghahawakang solusyon sa problema sa pamamagitan ng planado, pangangalap at interpretasyon ng mga datos (MOULY)
Pananaliksik
Lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong na nakabatay sa problema at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at lipunan (NUNCIO, ET AL.)
Ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
Katangian ng pananaliksik
Maingat na pagtitipon at pagpili ng mga datos
Matiyaga, maingat at hindi nagmamadaling pagsasakatuparan
Nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwan
Nangangailangan ng tamang obserbasyon at interpretasyon
Maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat
Layunin/Kahalagahan ng pananaliksik
Makasumpong ng sagot sa mga suliraning hindi pa nabibigyang-lunas
Makabuo ng batayang pagpapasiya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan atbp
Makapagbigay-kasiyahan sa kuryosidad o pagiging mausisa
Mapatunayan ang mga umiiral na kaalaman
Makatuklas ng bagong kaalaman
Uri ng pananaliksik
Batay sa pakay o Layon
Batay sa proseso
Batay sa saklaw na mga larawan
Batay sa pakay o Layon
Batayang pananaliksik (umiikot sa pagiging mausisa ng mananaliksik tungkol sa isang konsepto o kaisipan, isang penomenong hindi hindi maunawaan o isang suliraning nararanasan sa lipunan, sarili o kapaligiran.)
Praktikal na pananaliksik (umiikot sa layuning mabigyang kalutasan ang isang praktikal na problema sa ibang lipunan.)
Batay sa proseso
Palarawang pananaliksik (naglalarawan ito ng pangyayari, diskurso, o penomenon na ayon pananaw at karanasan ng kalahok ng pananaliksik.)
Pagalugad na pananaliksik (ito ay pag-uusisa, paggagalugad, at pagtuklas ng isang ideya.)
Pagpapaliwanag na pananaliksik (nagpapaliwanag o nagsusuri sa pinag-aaralan. )
Eksperimental na pananaliksik (nagpapaliwanag ito sa kinahinatnan, sanhi at bunga batay sa salik o baryabol na ginamit sa disensyo ng pananaliksik.)
Pahusga na pananaliksik(inataya kung ang pananaliksik, proyekto o programa ay naisagawa nang matagumpay.)
Batay sa saklaw ng mga larangan
Disiplinaring pananaliksik (ito ay tuon sa isanglarangan o espesyalisasyon ng mga mananaliksik.)
Multidisiplinaring pananaliksik(higit sa isang mananaliksik ang kabilang at sila ay mula sa ibat ibang larangan na ang pag-aaralan ay isang paksa.)
Interdisiplinaring pananaliksik (ginagawa ito kung ang mananaliksik ay may kaligiran (background) sa dalawa o higit pang larangan.)
Transdisiplinaring pananaliksik (pag-aaralan ng mananaliksik ang paksang hindi kabilang sa larangang pinagkadalubhasaan.)
Mahahalagang puntos sa pagpili ng paksa
Kahalagahan at kabuluhan ng paksa
Interes sa paksa
May sapat na impormasyon
Haba ng nakaalang panahon para isagawa ang pananaliksik
Kinakailangang gastusin
Mga paksa na dapat iwasan
Mga pinagtatalunang paksa na may kaugnatan sa relihiyon at usapin ng moralidad
Mga kasalukuyang kaganapan at isyu
Mga paksang itinuturing nang "gasgas" o gamit na gamit sa pananaliksik ng mga mag Aaral
Mga gabay na tanong upang makatulong sa pagbubuo ng paksa
Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
Ano-ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa at daigdig ang ipinakikita o kaugnay ng paksa?
Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
Sino-sino ang kasangkot?
Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
Paano ko pag-uugnayin at pagsusunod-sunorin ang mga ideyang ito?
Upang maiwasang maging masaklaw ang pag-aaral, bigyang pansin ang pagalilimita sa