apeh1

Cards (34)

  • Presyo- Tumutukoy sa katumbas na halaga ng
    produkto na binabayaran ng mga konsyumer sa
    pamilihan tuwing namimili.
    ● Ang presyo -ay ginagamit na basehan sa pagsukat
    ng pambansang produksiyon (Wonnacott).
  • Pambansang Produkto (National Product)
    • Halaga ng kalakal at serbisyo na naiprodyus ng
    ekonomiya sa loob ng takdang panahon.
  • PANGUNAHING PARAAN NG PAGSUKAT SA PAGLAGO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
    1. Pagsukat sa Pambansang Produkto (National Product Approach)
    b. Pagsukat ng Pambansang Kita (National Income Approach)
    1. Gross Domestic Expenditures (GDE)
    Kabuoang halaga ng lahat ng pinal na produkto sa pamilihan
    na binili ng sektor ng consumer, pamahalaan, at negosyo sa
    loob ng isang taon.
    Pormula: GDE=C+G+I
    C- personal consumption expenditure
    G -government consumption expenditure; at
    I- capital formation expenditure)
  • 2. Gross Domestic Product (GDP)
    -Halaga sa pamilihan ng mga pinal na produkto na gawa
    sa loob ng teritoryo ng isang bansa kasama na ang neto
    ng eksport.
    Pormula: GDP= C+G+I (X-M)
    Positibo ang net export kapag mas malaki ang GDP
    kaysa GDE at kung magkasinlaki ang dalawa, ang net
    export ay zero.
  • 3. Gross National Product
    Kabuoang kita ng mga Pilipino sa loob ng isang taon na
    ginamit sa produksiyong ng kalakal at serbisyo. Pinakamalaking
    national income account.
    1. Remittances- tawag sa bahagi ng kita na ipinapadala ng
    mga OFW sa Pilipinas.
    b. Net Factor Income from Abroad (NFIA)- tawag sa
    pagkompyut sa pagitan ng remittances ng mga Pilipinong
    kumikita sa ibang bansa at mga dayuhang kumikita sa Pilipinas.
    Pormula:
    GNP= GDP+NFIA o GNP= C+G+I+ (X-M)+NFIA
  • Kapag ang net income from abroad ay positibo,
    GNP ay mas malaki kaysa GDP na madalas mangyari
    sa Pilipinas. Magkasinlaki ang GNP at GDP kapag ang net
    factor from abroad ay zero.
    1. Net National Product (NNP)
    Totoong halaga ng mga puhunang kapital sa loob ng isang taon.Upang
    makuha natin ang NNP kailangan natin ang Depreciation
    Allowance .
    Depreciation Allowance
    kabayaran sa paggamit ng mga pinuhunang kapital (maaaring gamitin
    sa pagmamantene ng mga planta, gusali, makinarya at iba pang
    kapital).
    Pormula: NNP= GNP - Depreciation Allowance
    1. Gross Domestic Investment (GDI),
    Kabuoang halaga ng puhunan sa bansa
    sa loob ng takdang taon ng accounting,
    ngunit hindi aktuwal na halaga ng puhunan
    sapagkat may depresasyon sa capital
    Pormula : NDI= GDI- Depreciation
    Allowance
  • Ayon sa mga ekonomista mas makatotohanang sukat ng
    pamumuhunan ang NDI kaysa sa GDI, kapag tama ang
    kalkulasyon ng depresasyon ng mga kapital. Mahirap at hindi
    sigurado ang datos kung kaya bihira gamitin ang NNP bilang estadistika ng paglago ng ekonomiya.
  • 5. National Income (NI)
    Tumutukoy sa kita ng bansa ngunit binabawas sa net
    national product ang indirect taxes (di tuwirang
    buwis).
    Pormula : Net National Product - Indirect Taxes
    Halimbawa ng indirect taxes: Pagpapakarga ng 1000
    pesos na gasolina kung saan may 12% value-added-tax.
    Ang kita ng namumuhunan ay 880 pesos lamang at
    ang 120 pesos ay mapupunta sa pamahalaan bilang buwis
  • 6. PERSONAL INCOME (PI)
    Ito ay ang pansariling kita na nagmula sa
    pribadong pagkonsumo . Ito ay bahagi ng National
    Income (NI).
    Pormula :
    Personal Income (PI)= National Income (NI) –
    (Corporate or business Income Taxes
    Retained Corporate Profits Social Security
    Payments) Transfer Payments
  • Corporate or business Income Taxes- Ang buwis sa kita
    ng mga Korporasyon.
  • Retained Corporate Profits- Ang kita ng mga kompanya
    na hindi ipinamamahagi sa mga stockholder.
  • Social Security Payments- Kita na binabayad sa Social
    Security System(SSS) , Government Service Insurance
    System ( GSIS) at iba pang panlipunang paniguro.
  • Transfer Payments- Ito ay ang mga
    tulong pinansyal na natatanggap ng mga
    tao mula sa pamahalaan ( Pensyon at
    Pagpapagamot).
  • DISPOSABLE PERSONAL INCOME
    -Ito ay ang kita ng mga tao na naiuuwi. Ito ang balanse matapos
    ibawas sa personal income ang personal taxes.
  • Personal Taxes- Ang mga buwis na binabayaran ng mga tao
    mula sa kanilang kita. ( Personal Income Tax at Buwis sa mga ari-
    arian( Real Property Tax).
  • Personal Outlay
    Ito ang bahagi ng kita ng tao na kanilang
    ginugugol sa pangangailangan ng kanilang
    tahanan o pamilya.
  • Nominal GNP- Ay nakabatay sa umiiral na presyo ng
    mga produkto sa pamilihan sa panahon ng GNP
    accounting kaya tinawag din itong current price
    GNP. Sinusukat din nito ang takbo ng ekonomiya sa
    panahon ng produksiyon.
  • Real GNP- Isang paraan para malaman ang
    kapanipaniwalang paglago ng ekonomiya dahil
    sinusukat nito ang paglago ng ekonomiya sa loob ng
    takdang panahon , gamit ang presyo sa batayang
    taon ( Base year ) tinatawag din itong constant price
    GNP.
  • PRICE INDEXES
    Ito ay ang estadistikang pagpapakita kung gaano kalaki ang pagbabago sa presyo sa loob ng takdang panahon. Kinakailangan ang
    batayang taon sa pagkuwenta ng price index.
  • Batayang taon – Ang ginagamit ng mga ekonomista na batayan sa
    paghahambing ng mga presyo, at ang halaga nito ay 100.
  • GNP Price Deflator – Ito ay ginagamit na
    panukat sa pagbabago ng presyo ( on the
    average ) ng mga bilihin sa loob ng isang taon.
  • Ang equation ay maaaring baguhin upang
    makuwenta ng real GNP . Ito ay tinatawag na
    deflating.
  • Consumer Price Index (CPI) – sinusukat nito
    ang pagbabago (on average ) sa presyo ng
    market basket .
  • Market Basket – Ang mga pangkaraniwang
    produktong binibili ng pamilyang Pilipino sa loob
    ng takdang panahon ( Sa loob ng isang linggo).
  • Weighted Price – Tumutukoy sa dami ng
    produktong binili.
  • Total Weighted Price
    Ito ay ang kabuoang weighted prices ng mga produkto sa
    loob ng takdang taon matapos itong makuwenta pwede nang
    ma kuwenta ang Consumer Price Index.
  • Price Level Change – Ito ay ang antas ng
    implasyon sa kasalukuyang taon.
  • Real Consumption - ay ang tunay na halaga ng
    pagkonsumo
  • Real Wage - ang tunay na halaga ng kita.
  • Real GNP- Panukat sa panandaliang paglago ng ekonomiya.
  • Real GNP per Capita- bilang panukat sa pag-unlad ng ekonomiya sa
    loob ng magabang panahon.