Ang sekswalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong maging.
Sekswalidad - Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang, ang pagpapakalalaki at pagpapakababae ay isang malayang pinili at personal na tungkulin na gagampanan mo sa iyong buong buhay.
Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital Sex) - Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa tamang edad o nasa edad man ngunit hindi pa kasal.
Pagtatalik - hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin. Ibig sabihin hindi kailangan ng tao na makipagtalik upang mabuhay sa mundo.
Mga pananaw ng kabataan
Ang pakikipagtalik ay ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
Ito raw ay isang normal o likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog at matugunan ang pangangailangan ng katawan.
Ang mga gumagawa ng pre-marital sex ay naniniwalang may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
Maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kung parehong ang gumagawa nito ay may pagsang-ayon.
Ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian. Maaaring ang kabataang nagsasagawa ng pre-marital sex ay hindi pa handa sa magiging bunga ng kilos na nagawa.
Porne - prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw
Graphos - pagsulat o paglalarawan.
Pornograpiya - Ito ay biswal na representasyon ng sekswalidad na
binabago ang sekswal na pananaw at pag-uugali ng tao, gayundin ang paningin patungkol sa pakikipagtalik at conjugal relationships (Fagan, 2009).
Conjugal Love - Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.
Ayon sa Revised Penal Code of the Pilipinas at Batas Republika Blg. 7610, ang pornograpiya ay ipinagbabawal na doktrina, publikasyon, palabas, at iba pang mga katulad na material o paglalarawan na nagpapakita ng imoralidad, kalaswaan at kalibugan.
Pang-aabusong Seksuwal - Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi inanyayahang sekswal na kilos o gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot nila,
Hindi direktang pisikal na gawain:
Exhibitionism - paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain
Seduction - paninilip o pamboboso
Catcalling - paggamit ng sekswal na salita, pabigkas o pasulat
Prostitusyon - Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain.
Prostitusyon - Ito ay pangangalakal ng serbisyo ng pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na pakinabang (Revised Penal Code).