Araling Panlipunan 9

Subdecks (2)

Cards (62)

  • Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba't ibang industriya tulad ng paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at paggugubat.
  • Ang Sektor ng Agricultura ay pinagmumulan ng pagkain, hilaw na materyales at trabaho para sa mga mamamayan.
  • Ang paghahalaman ay ang pangunahing pinagkukunan ng pananim ng bansa.
  • Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
  • Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo; Komersyal na Pangingisda, Munisipal na pangingisda, at Pangisdang Aquaculture.
  • Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing angkalakalan o pagnenegosyo.
  • Ang Munisipal na Pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng fishing vessel.
  • Ang Pangisdang Aquaculture ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan: Fresh (tabang), Brackish (maalat-alat), Marine ( maalat)
  • Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura na mahalagang pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer.
  • Ang Land Registration Act ng 1902 ay sistemang Torrens sa panahon ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
  • Ang Public Land Act ng 1902 ay ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
  • Ang Batas Republika Bilang 1160 ay ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
  • Ang Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang- aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
  • Ang Agricultural Land Reform Code ay ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.
  • Ang Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 ay itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
  • Ang Atas ng Pangulo Blg. 27 ay nagsasabing ang magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.
  • Batas Republika Blg. 6657 ng
    1988 - Ito ay kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (Carl) na inaprobahan dati ng pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Agosto, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural, Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
  • Sustainable Forest Management Strategy - Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan.
  • Philippine Fisheries Code of 1998 - Ito ay naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
  • Community Livelihood Assistance Program (CLASP) ay ang paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
  • National Integrated Protected Areas System (NIPAS) - Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan.
  • Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
  • Ang agrikultura ay pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
  • Ang agrikultura ay pinagkukunan ng kitang panlabas.
  • Ang agrikultura ay pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
  • Ang agrikultura ay pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.
  • Ang impormal na sektor ay sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentong kailangan sapagsasagawa ng mga gawaingpang-ekonomiya.
  • Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.