ESP 8 Q4

Cards (29)

  • Uri ng pagsisinungaling
    • Pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao
    • Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya, o maparusahan
    • Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makasasama sa ibang tao
    • Pagsisinungaling na sinasadya ang intensiyon na sumira o makasakit ng kapuwa
  • Ang Anti-Bullying Law ay pinirmahan ni President Benigno Aquino III upang maiwasan ang karahasang nangyayari sa paaralan at ito rin ay tinatawag na Republic Act 10627
  • Pagsisinungaling
    Ang pagpapalagay na pinaniniwalaang walang katotohanan o pagtatago sa kung ano ang tama o totoong pangyayari
  • Pagiging tapat sa salita at gawa
    Pagsasabuhay ng bawat komitment sa katotohanan patungkol sa kabutihan at pagpapatatag ng konsensiya
  • Uri ng pagtatago sa katotohanan
    • Pananahimik (silence)
    • Pag-iwas (evasion)
    • Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
    • Pagsambit na may dalawang kahulugan (equivocation)
  • Sekswalidad
    Isang kabuuang katauhan upang maging ganap na isang tao o nilalang. Ito rin ay ang pagpapahayag ng sarili ng isang tao bilang sekswal na nilalang. Ibig sabihin, ito ay higit pa sa kasarian, sa halip ay kasama rito ang kilos, saloobin, at kaisipan ng isang tao sa kaniyang sekswal na katangian gayundin ang kaniyang oryentasyong sekswal
  • Pag-aasawa
    Isang bagay na hindi puwedeng daanin sa paraang hindi plinano at ito ay yugto sa buhay ng lalaki at babae na mangangakong magmamahalan sa hirap at sa ginhawa
  • Pagmamahal
    Isang emosyon o damdamin ng puso na maaaring maipakita o maipadama sa kilos o salita
  • Pambubulas
    Isang uri ng pang-aapi na isa ring uri ng ugaling mapanalakay o pagtatangka ng isang tao na saktan ang katawan, isipan at damdamin ng isang tao
  • "Honesty is the best policy"

    Mas maganda ang pagsasabi ng katotohanan kaysa magsinungaling kahit ito ay mahirap gawin ng mga indibiduwal
  • Sosyal o relasyonal na pambubulas
    Isang uri ng pambubulas na kung saan ang layunin naman nito ay sirain ang reputasyon ng isang tao maging ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang tao
  • Katapatan
    Pagiging totoo at tapat sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay maging sa iyong sarili at sa ibang tao. Ang pagsasabuhay ng isang tao sa bawat pangyayari na angkop sa bawat sitwasyon
  • Katapatan sa salita
    Makikita sa pagsasabi at pagsasabuhay ng mga ugali na naaayon sa kung ano ang tinatanggap na totoo at paggamit ng mga matatapat na salita
  • Katapatan sa gawa
    Ang pagsasabuhay sa bawat katotohanang tinatanggap at pagganap sa mga taong dapat makinabang dito
  • Pasalitang pambubulas
    Isang uri ng pambubulas na kung saan ginagamitan ito ng masasamang salita laban sa isang tao
  • Pisikal na pambubulas
    Isang uri ng pambubulas na kung saan nagkakaroon na ng pisikal na pananakit sa isang indibidwal o grupo na kung saan din sinisira ng mga nambubulas ang kanilang mga pag-aari
  • Paggalang at pangangalaga sa sekswalidad
    Isang hakbang tungo sa pagpapanatili ng dignidad ng sarili at kapuwa
  • Bakit mahalagang matutuhan ng lahat na igalang at mahalin ang kaniyang kapuwa
    • Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal na inilalaan. Hindi ito hinihingi o binibili, bagkus inaani dahil sa itinanim na paggalang sa kapwa
    • Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa kaniya. Kapag mahal mo ang isang tao nakahanda kang tanggapin siya bilang siya. At higit sa lahat palaging nakahandang dumamay sa tagumpay at lalo't higit sa kabiguan
    • Ang pagmamahal sa kapuwa ay may kaakibat na katarungan. Ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat para sa kanya - ang paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
  • Ang pagmamahal sa sarili, kapuwa, at buhay ay ang mga sandata laban sa karahasan sa paaralan
  • Uri ng pambubulas
    • Pasalitang pambubulas
    • Sosyal o relasyonal na pambubulas
    • Pisikal na pambubulas
  • Paggalang sa sarili
    Nakatutulong sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay. Ito ay dahil kung panatag ka sa iyong sarili mas madali sa iyo ang magkaroon ng pag-unawa at simpatiya sa kalagayan ng iyong kapwa
  • Ang nagsabi na ang kakayahang magmahal at maghatid ng pagmamahal sa mundo ang likas na nagpapadakila sa tao ay si Banal na Papa Juan Paulo II
  • Mga kakayahan at kilos na mahalagang muling mapag-usapan
    • Ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad
    • Ang pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
    • Ang paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
  • Mga bunga ng pagiging matapat sa salita at gawa
    • Integridad
    • Patas na pakikitungo sa iba
    • Pagtitiwala, magandang reputasyon, at kapayapaan ng kalooban at isipan
  • Paaralan
    Isang institusyon para sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa ilalim ng paggabay ng isang guro
  • Mga karahasan na maaaring nagaganap sa paaralan
    • Pambubulas o bullying
    • Labanan, pag-aaway o pagsasakitan sa loob man o sa labas ng paaralan
    • Pagdadala ng droga
    • Sexual harassment
    • Vandalism
    • Pagnanakaw
    • Pagdadala ng mga nakasasakit na bagay at marami pang iba
  • Batang nambubulas
    Ginagamit ang kaniyang kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang binubulas – pisikal na lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa mga nakahihiyang impormasyon tungkol sa binubulas o kaya naman ay popularidadupang kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa. Matatawag lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit o may potensyal na maulit sa takdang panahon
  • Ang paggalang sa sarili ay nakatutulong sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay. Ito ay dahil kung panatag ka sa iyong sarili mas madali sa iyo ang magkaroon ng pag-unawa at simpatiya sa kalagayan ng iyong kapwa
  • Mga kasabihan tungkol sa katapatan
    • Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat
    • Nasa taong matapat ang huling halakhak
    • Ang taong matapat pinagkakatiwalaan ng lahat
    • Mas OK nang umiyak sa katotohanan kaysa maging masaya sa kasinungalingan
    • Ang pandaraya ay isang kahinaan. Kapuri-puri naman ang katapatan
    • Mas madaling patawarin ang taong umaamin, kaysa sa nahuli na nga sinungaling pa rin
    • Ang hindi tumutupad sa sinasabi, walang pagpapahalaga sa sarili
    • Sa taong hindi tapat ay masahol pa sa ahas sa gubat
    • Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
    • Maging tapat sa lahat ng bagay upang umunlad ang buhay