panukalang proyekto - isang nakasulat na mungkahi na siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan
panimula
Dito tinutukoy ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan.
ang katawan ng panukalang proyekto ay binubuo ng tatlong bahagi
layunin
plano ng dapat gawin
badyet
layunin
kailangang maging tiyak at sulat batay sa inaasahang resulta sa panukalang proyekto.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) ang layunin ay kailangang maging SIMPLE:
specific
immediate
measurable
practical
logical
evaluable
plano ng dapat gawin - naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin
badyet - pinakamahalagang bahagi ng panukalang proyekto
balangkas ng panukalang proyekto
pamagat
nagpadala
petsa
pagpapahayag ng suliranin
deskripsyon
kasangkot sa proyekto
layunin
plano ng gawain
badyet
kapakinabangan dulot
pamagat - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin. pinakamaikling bahagi ng ulat-panukala
nagpadala (proponent) - tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto
petsa - araw kung kailan ipinasa ang panukalng papel isinama na rin kung gaano katagal gawin ang poryekto
pagpapahayag ng suliranin - nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan
deskripsyon - inilalalrawan sa bahaging ito ang proyektong gagawin
kasangkot sa proyekto - iniisa-isa ang mga taong may gampanin sa proyektong gagawin
plano ng gawain - talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa
kapakinabangang dulot - konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto
maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na pagpipilian